[Sana's Pov]
Habang naglalakad sa hallway kasabay ni Dahyun, pansin kong may mga estudyanteng napapalingon sa aming dalawa. Sigurado ako na nakarating din sa kanila ang chismis tungkol samin.
"Sana." Biglang tawag ni Dahyun sakin.
"Hmmm?"
"Kung 'di lang para sa misyon ko, nabalibag ko na yang mga 'yan. Grabe makatingin eh."
"Aish. Huwag mo na nga silang pansinin."
"Sa tingin palang nila, ramdam ko na agad na masama ang iniisip nila tungkol sakin eh."
"Chill." Matipid kong sagot sa kanya upang tumuloy na lang sa paglalakad.
"Chill? Palibhasa kasi, hindi ikaw ang pinag-iisipan nila nang masama eh. Tsk." Inis na dagdag niya kaya naman napailing na lang ako't tumuloy sa paglalakad.
Nang marating na namin ang labas ng classroom, biglang huminto si Dahyun.
"Wait."
"Oh? Ano na naman 'yon?" Hindi siya sumagot sakin. Bigla siyang yumuko sa harapan ko.
"Teka. Ano bang ---" Hindi ko na natapos ang pagtatanong sa kanya nang simulan niyang ayusin ang sintas ng sapatos kong nakalas na pala.
Sandali akong napalingon sa paligid namin kung saan napansin kong nakikiusisa na naman ang ibang estudyanteng walang magawang tama sa buhay nila.
"Yung sintas mo." Matipid niyang sabi matapos ayusin ang sintas ng sapatos ko. Sa pagtayo niyang muli, tumingin lang siya sakin bago tuluyang mauna sa pagpasok sa loob ng classroom.
Wala na akong ibang nagawa kundi pumasok na din sa loob. Nalaman naming hindi pa pala dumadating si Ms.Park.
"Late na naman yung prof natin. Ako na nga lang magtuturo sa inyo." Rinig kong sabi ni Nayeon sa pwesto niya.
"Epal talaga." Rinig ko namang pagkakasabi ni Dahyun kaya napatingin nang masama si Nayeon sa kanya.
"Dayana, Kumusta ang pagsunod-sunod kay Sana? Rejected ka pa rin ba?" Napapangising tanong ni Nayeon.
"Pakialam mo?" Kunot-noo na tanong ni Dahyun sa kanya. Eto na naman sila. Nagsisimula na namang mag-away na parang mga bata. Para silang magkapatid kung mag-away eh.
"Tigilan mo na nga si Sana. Kawawa na yung tao sayo dahil diyan sa kakasunod mo."
"Anong kakasunod? Ayos ka lang? Roommates kami eh. Malamang magkakasama talaga kami." Depensa ni Dahyun sa sarili niya.
"Guys, tama na 'yan. Baka maabutan pa kayo ni Ms.Park na nagbabangayan eh." Awat ni Jeongyeon sa kanilang dalawa.
"Mapagsamantala ka. Kalat na kalat na yung pagnakaw mo ng halik kay Sana."
"Hindi ko sinasadya 'yon." Depensa ulit ni Dahyun sa sarili niya. Pakiramdam ko, magbabanatan na 'tong dalawang 'to maya-maya eh.
"Dayana, totoo ba 'yon? Hinalikan mo si Sana?" Hindi makapaniwalang tanong ni Momo.
"Ah. Eh. Aksidente kasi 'yon." Natitigilang sagot ni Dahyun kay Momo.
"Aksidente? Hmmm. Sabi na eh. Hindi ka naman ganoong klaseng tao. Naniniwala ako sayo, Dayana." Napapangiting sabi ni Momo kay Dahyun na agad namang napangiti din sa kanya.
Aksidente? Aba. Baka nakakalimutan ni Dahyun yung misyon niya. Kasama na sa misyon niya na magpanggap na may gusto sakin. Tapos sasabihin niyang aksidente lang na hinalikan niya ako? Wtf?
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022