87 : Sin

186 10 19
                                    

A/N: Warning! Huwag niyo nang basahin. Haha! Emz! Balakajan!

[Dahyun's Pov:]

Tuloy lamang ako sa paglalakad sa kalagitnaan ng kadiliman sa kalsada. Umaasang mapapawi ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

Alam kong hindi magandang pag-uugali ang iwanan ang mga bisita na ninais mong makaramdam ng saya sa lugar na pinagdalhan mo sa kanila.

Ngunit anong magagawa ko? Lubos akong nasasaktan sa mga oras na 'to. Ni hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong unahin dahil sa sobrang pagkabigla sa mga nalaman ko.

Bahagya akong napahinto sa paglakad nang maramdaman ko ang pagkulo ng sikmura ko. Bakit ngayon pa ako nakaramdam ng gutom? Hindi pwede. Wala akong oras para magutom. Kailangan kong makalayo sa mga taong nanlinlang sakin.

Bigla kong naalala na hindi pa rin pala kumakain sila Sana sa K's Beach Resort.

"Aish. Ano namang pakialam ko kung magutom rin sila? Gutom rin naman ako eh. May mga pagkain naman silang dala. Kaya na nila 'yon nang walang tulong ng mga tauhan ng K's Beach Resort." Nasabi ko na lamang.

Kasalanan ko pa bang pinagbakasyon ko mula sa pagtatrabaho ang mga tauhan ng K's Beach Resort? Pasalamat nga sila dahil isinama ko pa sila sa Beach Resort namin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit hindi ko na talaga matiis. Ewan ko ba, dali-dali kong kinuha ang phone ko.

"Go to K's Beach Resort now. Assist my guests. Kindly ask them who's Sana. Prepare the most delicious food for her. Make sure she'll eat. Okay? Alam kong lumalalim na ang gabi. Ti-triple-hin ko ang sweldo niyo, just make sure na darating kayo doon ngayon." Agad akong nagtext ng announcement sa gc ng K's Beach Resort management.

Dali-dali namang nagsisagutan ang mga empleyado namin. Napahinga na lamang ako nang malalim nang masigurado kong papunta na sa K's Beach Resort ang mga tauhan upang i-assist sila Sana habang wala ako.

Ang engot ko na ba talaga sa desisyon kong siguraduhin na maayos ang kalagayan nila sa K's Beach Resort matapos ng ginawa nilang pagsisinungaling sakin?

"Kalokohan, Kim Dahyun!" Napasigaw na lang ako dahil sa frustration ko bago tuluyang tumuloy sa paglakad palayo.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad, huminto ang isang kotse sa gilid ko. Nagbukas ang bintana ng sasakyan, nagulat ako kung sino ang driver ng kotse.

"Momo?"

"Hi, Dahyun. Long time no see. Anong ginagawa mo dito sa kalsada nang ganitong oras?"

"Ah. Eh. Nagmumuni-muni lang. Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Marunong ka pa lang magmaneho ng kotse. Mag-isa ka lang ba? Malalim na ang gabi, baka mapaano ka pa sa kalsada."

"May inasikaso lang ako malapit dito sa lugar na 'to. Hindi ko inaasahan na magkikita tayo dito."

"To be honest, ako din eh. Mukhang wala ka pa ring pagbabago ah. Bagay na bagay pa rin sa hairstyle mo ang salamin mo. Ikaw pa rin yung Momo na nakasama ko noon sa school."

"Alam mo, ang daya mo."

"Huh? Ako? Madaya?" Curious na tanong ko sa kanya.

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon