[Dahyun's Pov]
"Ano nga pa lang pinunta mo dito, Tzuyu?" Panimula kong tanong sa kanya.
"Ah. Eh. Na-curious lang kasi ako kung kumusta ka na."
"Ayos lang naman ako, Tzuyu. Ikaw? Kumusta ka na?"
"Bumalik yung Lolo mo sa mansion." Napatingin ako sa kanya matapos marinig ang sinabi niya.
"Si Lolo? Bakit?"
"Nagyaya kasi ulit ng salu-salo ang parents ko sa Lolo mo. Gusto nila na makasama ka ulit sa salu-salo na 'yon. Noong pumunta ang Lolo mo sa amin nang hindi ka kasama, nagtaka ang parents ko."
"Ganun ba? Ano namang sinabi ni Lolo sa kanila?"
"Ang sabi ng Lolo mo, hindi daw maganda ang pakiramdam mo kaya hindi ka nakasama kaya naman nag-alala ako. Akala ko kung ano nang sakit ang dumapo sayo kaya kinausap ko si Nayeon na isama ako kung nasaan ka."
"Hmmm. Ayos lang naman ako, Tzuyu. Wala akong malalang sakit. Pasensya na din sa sinabi ng Lolo ko. Naabala ka pa tuloy. Rason niya lang 'yon."
"Rason?"
"Hindi kasi niya alam kung nasaan ako ngayon. Ilang araw na akong nananatili sa bahay na 'to."
"Nabanggit din nga ni Nayeon sakin kanina bago kami makarating dito. Huwag kang mag-alala. Wala akong ibang pagsasabihan nang kinaroroonan mo. Mas maganda nga yung ganito. Mas may chance kang makapagpahinga o magkaroon ng peace of mind."
Sandali kaming natahimik pareho.
"Ah. Eh. Dahyun."
"Hmmm?"
"Kumusta kayo ni Sana? Alam ba niyang nandito ka?"
"Hindi niya alam na nandito ako. Sa ngayon, naghihintay ako na lumipas ang dalawang linggo bago muling magpakita sa kanya dahil 'yun ang hiling niya."
"I see, I'm sorry."
"For what, Tzuyu?"
"Feeling ko kasi, ako talaga ang may kasalanan sa sitwasyon niyo ngayon."
"Hindi, Tzuyu. May mga ibang bagay din naman kaming hindi napagkaunawaan nitong nakaraan kaya hindi mo dapat isisi sa sarili mo. Hindi rin sinabi ni Sana sakin kung anong dahilan ng paglayo niya sakin."
"Pasensya ka na rin kung masyado akong naging clingy at feeling close noong araw na nabunyag sa lahat ang sikreto mo."
"Tzuyu."
"Hmmm?"
"Diba napag-usapan natin noon yung tungkol sa taong gusto mo."
"Oo."
"At sinabi ko rin sayo na i-pursue mo siya kahit na may iba siyang gusto." Dagdag ko sa kanya.
"Hmmm. Parang ganon na nga."
"Pwede ko bang malaman kung sino siya?"
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022
![Yours [SaiDa Fanfic]](https://img.wattpad.com/cover/243409578-64-k26511.jpg)