64: Kidnapper?

267 15 14
                                        

A|N: Inuulit ko, pasupport ako ng yt channel ko 😭😂 Nasa multimedia section yung video o kaya search niyo sa yt "StrawLherry Gaming". Comment naman kayo doon. HAHAHAHAHAHAHAHA.

[Chaeyoung's Pov]

Abala ako sa pagtulog sa apartment ni Dahyun nang biglang tumawag si Mina. Kahit na ayaw ko nang naiistorbo sa pagtulog, ayos lang sakin basta si Mina yung tumatawag.

ON THE PHONE:

"Chaeyoung, may malaking problema tayo."

"Ano 'yun, Mina?"

"Alam na ng lahat sa school ang sikreto ni Dahyun bilang Dayana."

"Huh? Paano?!"

"May kung sinong nagpaskil sa bulletin board ng school ng tungkol sa sikreto niya. Natanawan ko kanina si Dahyun na hinahabol si Sana."

"Hinahabol ni Dahyun si Sana?"

"Mukhang may tampuhan sila eh."

"Yan na nga ba ang sinasabi ko."

"Ano na naman bang nagawa ni Dahyun? Hindi basta-basta nagtatampo si Sana."

"Diba nga sobrang busy ni Dahyun kahapon to the point na hindi niya na nasagot o nareply-an si Sana buong araw."

"Eh ano ba naman kasing pinagkaabalahan ni Dahyun kahapon?"

"Ah. Eh. Hindi ko pwedeng sabihin. Mahabang kwento, Mina. Mas mabuti kung kay Dahyun mismo magmula ang paliwanag."

"Tsk. Ayan na naman tayo sa lihim-lihim ha. Baka mamaya niyan may kalokohan na kayong dalawa."

"Oy. Behave ako ha. Behave din naman si Dahyun. It's just ---naging komplikado yung sitwasyon niya kahapon. May kinalaman sa pamilya niya. At ayaw ni Dahyun na ikinukwento sa iba ang problema ng pamilya niya."

"Ganun ba? Oh. Sige. Aalamin ko na kung saan napunta yung dalawa. Subukan kong alamin kung bakit nagkatampuhan sila. Kakagising mo lang ba?"

"Oo."

"Ikaw ha. Ano na namang pinagpuyatan mo kagabi?"

"J*bol. I mean, Ikaw. Diba magkausap tayo kagabi."

"Gago ka talaga! Bastos!

"Bastos Time!"

"Tama na ngang kalokohan. Mamaya na lang ulit tayo mag-usap. Hanapin ko na muna sila Sana."

"Sige, Mahal."

"Mahal ka diyan. Haha."

"Kinilig ka. Aminin mo, Mina."

"Baka ikaw, kinilig sa sarili mo. Sige na nga. Aish. Mamaya na lang."

END CALL

Bigla akong napaisip nang malalim. Sino na naman kayang nantitrip kay Dahyun? May iba pa bang nakakaalam sa sikreto niya bukod samin na malalapit sa kanya? Paano nalaman ng taong 'yon ang sikreto niya? Nakakapagtaka.

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon