[Sana's Pov]
Nagdesisyon kaming dumirestyo sa restaurant ng Lolo't Lola ko upang kumain dahil nagutom daw si Chaeyoung.
"Oh, Apo. Pasok kayo. Anong gusto niyong kainin?" Pag-welcome samin nila Lolo't Lola.
"Hirap naman pumili sa menu niyo. Masarap lahat eh." Napapakamot-ulo na sabi ni Chaeyoung.
"O-order-in ko lahat. Libre ko na kayong lahat, Guys." Sabi naman ni Mina.
"Mina, alam kong patay na patay ka sakin to the point na dahil gusto ko lahat ng nasa menu eh oorder-in mo na lahat pero huwag naman natin pahirapan mag-asikaso ang grandparents ni Sana." Feel na feel ni Chaeyoung ang pagkakasabi.
"Lah. May sinabi ba akong para sayo lahat? Ang sabi ko, libre ko kayong lahat. Kayong lahat, Okay?"
"Na-realtalk ka tuloy. Better luck next time, Chaeyoung." Tinapik ni Tzuyu ang balikat ni Chaeyoung.
"Ouch, Mina. Nanlalamig ka na ba sakin?" Nakahikbing tanong ni Chaeyoung.
"Charot lang, Love. Ano bang gusto mong kainin?" Panunuyo ni Mina sa kanya.
"Ikaw. I mean, ikaw ang bahala kung anong gusto mong ipakain sakin." Mabilis na sagot ni Chaeyoung.
"Jusko! Sumasakit ang tenga ko sa inyong dalawa. Makapili na nga ng o-order-in." Sabi ni Tzuyu sabay upo sa isang tabi.
"Lolo! Lola! May bastos dito." Nasabi ko na lang sa kanilang dalawa sabay deretsyo na sa kusina para tulungan sila Lolo mag-asikaso.
Habang abala kami nila Lola sa pag-aasikaso ng mga pagkain sa kusina, kinausap nila ako.
"Kumusta ka naman, Apo?" Tanong ni Lolo sakin.
"Ayos lang naman po ako. Huwag niyo na po akong intindihin."
"Paano ka namin hindi iintindihin? Kapag may pasok ka, subsob ka sa pag-aaral. Tapos kapag nandito ka, nagpapakapagod ka pang tumulong samin. Madalas ka ring walang tulog nitong mga nakaraan. Magpahinga ka naman, Apo." Sabi naman ni Lola.
"Hindi ko po kasi maiwasang maisip kung bakit hinayaan kong umabot sa ganito ang lahat. Parang kahapon lang nangyari dahil damang-dama ko pa rin yung sakit."
"Apo, gusto naming makatulong ng Lola mo sa paghilom niyang puso mo pero naiintindihan namin na hindi 'yan madali eh. Mahirap pero kailangan nating tanggapin na wala na si Dahyun." Hinawakan ni Lolo ang kamay ko.
"Tanggap namin ng Lolo mo ang pagmamahalan niyo ni Dahyun. Alam din namin na hindi gugustuhin ni Dahyun na ikulong mo ang sarili mo sa nakaraan. Apo, laban ha. Lalaban tayo." Sabi naman ni Lola sakin.
"Opo, Lolo at Lola. Maraming salamat po." Niyakap ko silang pareho.
"Kumusta na nga pala ang Lolo ni Dahyun?" Tanong nila sakin.
"Last month po siya huling nagparamdam sakin through text. Balita ko din po sa Dad ni Dahyun na himalang bumubuti na ang kalagayan at kalusugan ni Mr. Lolo. Ang alam ko po, nasa ibang bansa ulit siya para muling magpatuloy sa pag-aasikaso ng family business nila."
Hindi na nagawang makita o makausap muli ni Dahyun si Mr. Lolo matapos ang pagkawala niya. Kung inamin ko lang sana sa kanya nang mas maaga ang lahat, makakausap pa sanang muli ni Dahyun ang Lolo niya.
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022
![Yours [SaiDa Fanfic]](https://img.wattpad.com/cover/243409578-64-k26511.jpg)