91 : Isang Buwan

114 8 16
                                    

[Nayeon's Pov]

Isang buwan ang lumipas matapos ang nangyaring insidente, nagsimula nang magnumbalik ang lahat maliban sa isang bagay. Walang iba kundi ang dating saya.

Simula nang maideklarang wala na si Dahyun, may nagbago sa mga bagay-bagay.

"Mom, sigurado ka na ba sa desisyon na 'to?" Nag-aalalang tanong ko dahil ngayong araw magaganap ang pagbabalik namin sa mansion dahil nagkausap at nagkaayos na si Mom at Dad.

"Nagkausap na kami ng Dad mo, Anak. Huwag kang mag-alala, nabanggit niya sakin na kakausapin ka niya nang maayos sa pagbalik natin doon."

"Hindi ko lang ma-imagine na babalik tayo sa mansion na 'yon matapos ang lahat ng hindi magandang bagay na naranasan natin 'don."

"Miski ako, Anak. Hindi ko inaasahan na magkakaayos pa kami ng Dad mo. Alam kong mahirap pa para sayo na patawarin ang Dad mo, naiintindihan niya 'yon. Nabanggit niya sakin na nais niyang ayusin ang relasyon natin bilang pamilya."

"Handa naman po akong magpatawad lalo pa't medyo nakikita ko na naman yung improvement ni Dad sa pakikisama satin sa tuwing bibisita siya dito sa apartment. Isang bagay lang naman ang palaging bumabagabag sakin, Mom."

"Ano 'yun, Anak? Baka may maitulong kami ng Dad mo. Nag-away ba kayo ni Jeongyeon? Wait. May kababalaghan na naman ba ang school niyo matapos mapunta kay Ms. Park Jihyo ang pangangalaga sa school?"

"Relax, Mom. Maayos ang pamamalakad ni Ms. Park sa school namin. Sa katunayan, mas maayos kaysa noon. Ang tinutukoy ko na bumabagabag sakin ay si Dahyun."

"Anak, dalawang linggo nang wala ang kapatid mo. Mahirap tanggapin ang pagkawala niya, pero kailangan. Kung nandito siya ngayon, alam natin na mas gugustuhin niyang maging maayos ang kalagayan nating lahat."

"Hindi ko pa rin matanggap, Mom. Oo, nagiging maayos na ang lahat pero hindi ko magawang pigilan ang sarili ko na isiping hindi na natin siya kasama sa mga magagandang bagay na nagaganap ngayon."

"Sa bagay, may punto ka. Hindi deserve ni Dahyun ang nangyari sa kanya. Ang dami ko pang plano para sa pamilya natin. Inituring ko na rin siyang tunay na anak. Kung minsan, napapaisip ako na may pagkukulang ako sa nangyari."

"What do you mean, Mom?"

"Ako ang nagsisilbing guardian niyong lahat sa beach resort na 'yon. Dapat pinigilan ko si Dahyun noon umalis. Dapat mas naging responsableng nakatatanda ako."

"Mom, huwag mong sisihin ang sarili mo. Alam namin na ginawa mo ang lahat para lang maprotektahan kami. Nabaril ka pa nga, remember? Sobrang thankful ko na naging maayos ang kalagayan mo. Hindi ko kakayanin kung nawala ka rin sakin."

"Alam mo, Anak. Kung natuluyan man ako noon, panatag na ang kalooban ko. Alam mo kung bakit? Dahil alam kong nandyan ang mga kaibigan mo para alagaan ka. Lalong-lalo na si Jeongyeon."

"Pero Mom..."

"Ssshhh. Mabuti pa, mag-ayos na tayo ng gamit. Maya-maya, darating na si Chaeyoung para ihatid tayo sa mansion." Tumango na lamang ako kay Mom.

Habang naga-asikaso ng mga gamit, hindi ko maiwasang maalala si Dahyun sa bawat sulok ng apartment na 'to. Nakakamiss marinig ang tawa niya.

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon