[Dahyun's Pov]
Katatapos lang ng pagpapacheck-up ko ngayon. Sabi ng doctor, wala naman daw akong bali. Mabuti naman kung ganoon. May pasa-pasa pa ako pero mawawala din 'to. Akala ko bali-bali na ang buto ko eh.
Ganito ata talaga kapag batak na batak ang katawan. Siyempre Kim Dahyun 'to eh. Muscles ko pa lang, pamatay na. Alagang gym ata 'to.
Sa paglabas ko ng clinic, biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Chaeyoung kaya naman agad ko nang sinagot ang tawag niya habang naglalakad sa tabing kalsada.
On The Phone:
"Oh, Chaeyoung."
"Dahyun, Nasaan ka na?"
"Kakatapos lang magpacheck-up."
"Ano, Bro? Mamamatay ka na ba?"
"Grabe ka sakin, Chaeyoung. Siyempre ayos lang daw ako sabi ng doctor. Ganito ata talaga kapag malakas ang katawan. Walang binatbat ang hagdan sa muscles ko." Proud na pagkakasabi ko.
"Gutom lang 'yan, Dahyun. Pumunta ka na dito. Kanina pa kita hinihintay. Bilisan mo ha."
"Sobra mo naman ata akong na-miss, Bro."
"Na-miss ka diyan. Gusto kong magbalita ka sakin ng tungkol kay Mina kaya bilisan mo na ang pagpunta dito."
"Kung sinusundo mo kaya ako noh."
"Kaya mo na 'yan, Dahyun. Malaki ka na."
"Hayop na 'to. Puro utos sakin tapos ayaw akong sunduin dito." Asar na sabi ko sa kanya sa kabilang linya.
"Ganyan kita ka-love, Bro."
"Love mo ko because?"
End Call
Bigla niyang ini-end call. Hayop talaga 'yon. Binabaan ako ng tawag. Ang daming utos tapos hindi man lang ako masundo. Kung nandito lang sana ang kotse ko ngayon, hindi naman ako magpapasundo eh.
Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad nang nakasimangot. Maya-maya, may natanawan akong pamilyar na tao. Agad akong nagtago sa isang sulok nang makitang papalapit siya sa direksyon ko.
"Flyers po." Rinig kong pagkakasabi ni Sana habang abala sa pag-aabot ng flyers sa bawat taong madaanan niya.
Anong ginagawa ni Sana dito? Tungkol saan yung flyers na iniaabot niya sa mga tao? Minabuti kong huwag magpakita sa kanya upang makasiguradong hindi ako mabibisto.
Nang makalayo na siya, napansin kong itinatapon lang ng mga tao ang flyers na iniabot ni Sana sa kanila. Pinulot ko ang isa sa mga flyers upang alamin kung tungkol saan ito.
Nang makita ko ang flyers, nalaman kong para pala sa isang restaurant malapit sa lugar na kinaroroonan ko ngayon ang mga flyers na iniaabot ni Sana sa mga tao.
Napalingon ako sa direksyong pinuntahan ni Sana. Ang bilis naman niyang makalayo.
Hmmm. Hindi ko inaasahan na ganito ang pagkakaabalahan niya sa araw na 'to. Akala ko sisimulan niya ang araw na 'to sa pamamagitan ng pagpaparty o paggagala kung saan man.
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022