[Dahyun's Pov]
Napakunot-noo lang ako kay Sana na hindi mawala ang ngisi sa labi niya habang nakapamewang sa harapan ko.
"Mauna na muna ako sa inyo." Pagpaalam ni Mina samin.
"Sige, Mina. Ako na munang bahala dito kay Dayana." Sagot ni Sana sabay tapik sa ulo ko. Kanina pa 'to ha. Ginagawa akong aso. Pasalamat siya, nakatingin pa si Mina.
"Sure. Sana maayos niyo na ang kung ano mang problema niyo sa isa't-isa." Nang tuluyan nang makalayo si Mina, ibinalik ko na ang focus ko kay Sana na dahan-dahan pang lumalakad palayo sakin.
"Sa tingin mo, saan ka pupunta?" Napahinto siya bago tuluyang lumingon sakin.
"Hahanap ng pagkakaabalahan."
"Yun ba talaga o umiiwas ka sakin dahil sa mga kasinungalin na sinabi mo kay Mina?" Seryosong tanong ko sa kanya.
"Hindi ko kaya ginusto na sabihin sa kanya na patay na patay ka sakin."
"Talaga lang ha? Eh kung makapaliwanag ka kay Mina kanina, parang feel na feel mo na patay na patay talaga ako sayo. Muntik na akong masuka."
"Aish. Ang kulit mo naman, Dahyun. Wala nga akong ibang choice kundi 'yun ang idahilan sa kanya para hindi na siya maghinala pa sa kung anong nalaman ko tungkol sayo."
"At bakit naman siya maghihinala sa nalaman mo tungkol sakin? Wait. Sinabi mo ba sa kanya? Isinumbong mo talaga ako?!"
"Chill. Hindi naman kita talaga isinumbong. Balak ko sana talaga na isumbong ka na kaso hindi ko naman itinuloy."
"Sabi ko na nga ba eh. Balak mo talaga akong isumbong. Aish!"
"Hindi ko naman itinuloy eh."
"Pero muntik na."
"At least, hindi pa rin ako tuluyang nagsusumbong. Nasabi ko sa kanya na may nalaman ako tungkol sayo kaso nagbago nga ang isip ko dahil gusto kong maayos ang lovelife ng kaibigan ko."
"So anong ini-dahilan mo?"
"Ayun."
"Anong ayun?" Ulit na tanong ko.
"Ayun. Sinabi ko sa kanya na nalaman kong may gusto ka sakin. Sinabi ko na patay na patay ka sakin kaya mo ko hinalikan nang dalawang beses. Pero dahil naiintindihan ko naman na mahirap mag-move on, pinatawad ko na lang 'yung nagawa mo."
"The fvck?" Asar na pagkakareact ko sa mga sinabi niya. Kingina. Parang lugi ako doon ha.
"Wala na akong ibang naisip na dahilan, Dahyun. Mabuti nga nakumbinsi ko si Mina na 'yun ang katotohanan kundi maghihinala 'yon sayo."
"Aish. Bwisit ka. Iniisip ko pa lang na patay na patay ako sayo, nakakaasar na."
"Makisakay ka na lang sa planong 'to."
"At bakit? May sarili kaya akong plano."
"Pwes, wala kang magagawa kundi isali ako sa plano mong 'yan. Wala ka din magagawa kundi sumali sa plano ko."
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022
![Yours [SaiDa Fanfic]](https://img.wattpad.com/cover/243409578-64-k26511.jpg)