[Sana's Pov]
Maaga akong nagising kaya naman minabuti kong manatili na muna sa higaan ko. Napalingon ako sa kinapupwestuhan ni Dahyun na kasalukuyan pang natutulog.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na lalaki siya. Sa tuwing iisipin ko na ang clingy ko sa kanya noon, parang gusto kong magpalamon sa lupa.
Gustong-gusto ko pa siyang maging kaibigan noon. Pero ngayon, parang ayaw ko na matapos malamang siya pala ang pasaway na bestfriend ng ex ni Mina.
Malay ko ba kung ano-ano pang kalokohan ang trip niyang gawin sa buhay. Minabuti kong tumayo sa kinahihigaan upang lapitan siya.
Naupo ako sa gilid ng kama niya habang abala sa pag-usisa sa mukha niya. Kung pagmamasdan siyang matulog, mukha naman siyang matino. Pero iba pa rin talaga kapag gising siya, pakiramdam ko lapitan 'to ng gulo eh.
"Mom." Nagulat ako nang bigla siyang magsalita. Wait. Nagi-sleep talk ba siya?
"Mom." Ulit niya. Napapanaginipan kaya niya ang Mom niya?
"Sorry." Sa pagkakataong 'to, napansin kong tila ba may luhang pumatak mula sa gilid ng mata niya. Bakit siya nagso-sorry sa Mom niya?
Ewan ko ba, pero parang ang lungkot ng mukha niya sa mga oras na 'to.
Marunong naman pala siyang magsorry, sa panaginip nga lang ata. Malapit kaya siya sa Mom niya? Mukhang malapit naman siya sa lahat ng babae eh. Itong playboy na 'to.
Bigla ko tuloy naisip yung mga naging paratang ko sa kanya. Sumobra ba ako? Todo sabi ako sa kanya na mukhang may masama siyang balak sa mga tao sa lugar na 'to matapos niya akong ipagtanggol noon sa bastos na customer sa club bar.
Masyado ata akong naging harsh. Sa sobrang gulat ko na may lalaki sa school na 'to, kung ano-ano nang inisip ko.
Pinag-isipan ko siya nang masama base sa mga narinig kong kwento noon ni Mina kahit na hindi ko pa siya masyadong nakikilala sa personal.
Pero paano kung maloko nga talaga 'to? Aish. Hindi ko na alam kung anong dapat kong isipin sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung bakit iniisip ko pa 'yon sa mga oras na 'to.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko bago tuluyang magdesisyon na magluto na muna ng agahan para sa aming dalawa. Sana kahit sa simpleng agahan na 'to, makabawi ako sa basta-bastang pag-iisip ko sa kanya nang masama.
Matapos ang pagluluto, bigla akong nakarinig ng sigaw mula sa kanya.
"Mom!" Agad akong napatakbo para silipin siya sa kinahihigaan niya. Naabutan ko siyang tila ba gulat na gulat na nakaupo sa kama niya.
"Dahyun." Napatingin lang siya sakin.
"Ayos ka lang ba?" Dagdag ko ngunit nanatili siyang tahimik. Napasandal lang siya sa headboard ng kama na tila ba may iniisip na malalim.
Nagising ba siya dahil sa panaginip niya? Masama yata ang naging panaginip niya. Narinig kong tinawag niya ang Mom niya kaya maaaring napanaginipan niya ang Mom niya.
Inituloy ko na muna ang pag-aayos ng pagkain namin sa lamesa bago tuluyang bumalik sa harapan niya.
Naabutan ko siyang naghahalungkat sa mga gamit niya.

BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022