[Dahyun's Pov]
"I---Ikaw?!"
"Long time no see, Apo." Nakangiting pagbati sakin ng lolo ko.
"Ikaw ba talaga 'yan, Lolo?" Hindi pa rin makapaniwala na pagkakatanong ko.
"Bakit hindi mo alamin?" Bigla niyang ibinulas ang magkabilang braso niya dahilan para agad akong mapayakap sa kanya nang mahigpit.
"Lolo, Ikaw nga." Emosyonal na pagkakasabi ko nang mayakap siya. Ang tagal ko din na hindi nayakap ang lolo ko.
"Kumusta na, Apo?"
"Ayos lang ako, Lo. Ikaw? Kailan ka pa nakabalik dito sa bansa? Kumusta ka na, Lo?" Sa sobrang pagka-miss ko sa kanya, hindi mawala ang ngiti sa labi ko.
"Kadarating ko lang nitong isang araw. Mabuti naman ang kalagayan ko. Hindi agad kita nakilala sa bagong hairstyle mo. Uso ba 'yan ngayon sa mga kabataan?"
"Po? Ah. Eh. Opo." Palusot ko nang makalimutan kong wala nga pala akong suot na wig.
"Ang ganda mo sa hairstyle mong 'yan, Apo. Pero mas bagay sayo kung maiksi 'yan."
"Hehe. Ganun po ba? Trip ko lang po 'to."
"Kumusta ka, Apo? Hindi ka pa rin ba bumabalik sa mansion?"
"Lo, alam niyo naman na hindi ako komportable doon. Salamat sa pagtulong sakin sa mga gastusin ko sa apartment."
"Kumusta naman ang buhay sa apartment, Apo?"
"Ayos naman po. Mas gusto kong magstay doon kaysa sa mansion pero mas ayos po kung makakasama ko na kayo doon sa apartment."
"Apo, alam mo naman kung bakit kinailangan kong mag-ibang bansa. Diba?"
"Opo. Para makalimot sa lahat ng pasakit na nagawa ko." Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Totoo naman kasi. Dahil sa mga nagawa ko, maraming nasaktan.
"Apo."
"Tanggap ko, Lo. Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw niyo kong makasama. Alam ko na masakit pa rin yung nangyari hanggang ngayon. Pero sa kabila noon, lolo ko pa rin kayo."
"Umalis ako upang makapag-isip nang mabuti, Apo. Hindi ko kakayanin ang stress at pighati kung nanatili ako sa bansang 'to."
"Pero bakit hindi niyo ko isinama, Lo?"
"Apo."
"Gets ko, Lo. No need to explain. Tanggap ko talaga na kailangan niyo kong layuan para tuluyang maka-move on sa mga nangyari. Sa lahat ng natitirang nabubuhay sa pamilya ko, kayo na lang yung nagpaparamdam sakin na kamahal-mahal pa rin ako kahit konti."
"Pero alam mo naman na mahal kita, Apo. Diba? Kaya nga nandito ako."
"Hmmm. Bakit nga po pala kayo nagdesisyon na magpakita na nang tuluyan sakin? Kayo po ba yung may-ari ng school? Kayo po yung may pakana ng pa-event ko sa school?"
"Anong school, Apo?" Clueless na pagkakatanong ni Lolo kaya naman napaisip ako nang malalim.
Mukhang walang kaalam-alam si Lola sa mga sinasabi ko. Ibig sabihin, hindi siya yung may-ari ng school? Hindi siya yung may pakana ng pa-event ng school para sakin?
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Hayran Kurgu[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022