[Dahyun's Pov]
Kinabukasan, mas maaga akong nagising kaysa kay Sana dahil mahaba-haba na ang naging tulog ko kagabi.
Sa pagbangon ko ng kama, napalingon ako kay Sana na mahimbing pa rin ang pagtulog. Dali-dali na akong bumangon upang mag-inat ng katawan.
Sandali akong naglakad-lakad sa labas ng kwarto namin. Sakto naman na nakasalubong ko si Momo.
"Oh, Momo. Good morning."
"Good morning, Dayana. Aga mong nagising ngayon ha."
"Maganda ang tulog ko kagabi eh."
"Mabuti kung ganon. Kailangan mo 'yan. Huwag mong stress-in ang sarili mo sa mga chismis tungkol sayo dito sa school."
"Hindi ko naman sila iniintindi eh."
"Inggit lang yung mga 'yon sayo."
"Ewan ko nga ba kung bakit trip na trip nila kaming pagchismis-an ni Sana."
"Siguro kasi may kakaiba talaga silang nakikita sa trato niyo ni Sana sa isa't-isa."
"Hmmm? Tulad ng ano?"
"Yung closeness niyo."
"Normal lang naman sa dalawang babae na maging close eh. Gulat kayo kung lalaki ako." Palusot ko pa para magpanggap sa harap ni Momo.
"Yun nga eh."
"Anong 'yun nga?" Clueless na tanong ko sa kanya.
"Wala. Kalimutan mo na 'yon, Dayana. Paano mauna na muna ako?"
"Sige. See you later, Momo." Nang tuluyan nang makaalis si Momo, inituloy ko na ang paglalakad-lakad sa hallway sa labas ng kwarto namin.
"Dahyun." Napalingon ako sa kung sinong tumawag sa pangalan ko. Ang bruhang si Nayeon lang pala.
"Aish. Huwag mo nga akong tawagin sa tunay na pangalan ko."
"Lumapit ka nga dito."
"Ayoko nga. Ano ako? Aso na susunod sa utos mo?"
"Ayaw mo? Sige. Isisigaw ko ang pangalan mo."
"Tsk. Ano ba kasing kailangan mo?" Wala akong choice kundi lumapit sa kanya.
"Sa paglabas natin dito, pumunta ka sa mansion." Napakunot-noo ako sa sinabi niya.
"Ang kulit mo din noh. Sinabi ko na naman sayo na hindi mo ko mapapapunta sa lugar na 'yon."
"Kailangan mong pumunta."
"Inuulit ko. Ayoko!"
"Dahil ba samin ni Mom? Kaya ayaw mong pumunta doon? Gusto kang makausap ng Dad mo."
"Ang tanong, gusto ko ba siyang makausap? Hindi. Diba? Isa pa, anong pakialam ko sa inyo ng Mom mo?"
"Kung gusto mo, aalis muna kami ni Mom sa araw na 'yon sa mansion para maging komportable kang makausap ang Dad mo."
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022