[Tzuyu's Pov]
Sa pagdating namin ni Dahyun sa harap ng lumang apartment niya, inalalayan niya ako sa pagbaba ng taxi.
"Dahan-dahan, Tzuyu."
"Salamat, Da---" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla niya akong binuhat nang pa-bridal style.
"Buhatin na kita para hindi ka mahirap." Seryosong pagkakasabi niya kaya wala na akong nagawa kundi hayaan siya.
Habang buhat niya ako, hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya na focus sa paglakad papasok ng bahay habang buhat-buhat ako.
Marahan niya akong ini-upo sa sofa sa living room bago tuluyang kumuha ng first aid kit. Sa pagbalik niya, hindi pa rin maalis ang pagtitig ko sa kanya.
"Hmmm. Bakit ganyan ka makatingin? May problema ba?" Curious na pagkakatanong niya.
"Wala naman. It's just---namimiss ko na agad na makita kang nakangiti. Pero hindi ko naman sinasabing ngumiti ka ngayon kasi alam kong hindi madali ang pinagdadaanan mo ngayon."
"Naaawa ka ba sakin? Huwag mo kong kaawaan. Deserve ko din siguro 'to kaya nagkakaganito ang buhay ko. Kabayaran siguro 'to sa mga kapalpakan ko noon." Matipid na tanong niya sabay titig sakin.
"Deserve? Dahyun, don't blame yourself. Kung ano man yung mga kamalian mo sa nakaraan, hindi mo ginusto 'yon. Okay?"
"Totoo naman eh. Tingnan mo. Ikaw, nandito ka. Kasama ko, imbes na nakikipagbonding ka sa pamilya mo."
"Nandito ako kasi gusto kong nandito ako."
"Muntik ka na ngang hindi makabalik sa pamilya mo dahil sa kapalpakan ko na naman kanina. Muntik na namang may mapahamak nang dahil sakin. Ako naman talaga yung puno't dulo eh. Nangyayari ang mga bagay na 'to nang dahil sakin."
"Dahyun."
"Hmmm?"
"Alam kong mahirap ang sitwasyon mo pero hindi lang sayo umiikot ang mundo. Huwag mong isisi ang lahat ng bagay sa sarili mo. Kung nasaktan man ako kanina, yun ay dahil ginusto kong gawin 'yon kahit alam kong may posibilidad na masaktan ako. Hindi mo kasalanan 'yon."
"Alam mo, mas mabuti pang layuan mo na ako. Habang may oras pa, Tzuyu. Habang hindi ka pa tuluyang napapahamak. Kapag nawala na naman ako sa katinuan ko, baka masaktan ka na naman. Baka hindi lang 'yan ang abutin mo."
"Handa ako."
"What? Tzuyu, pwede ba? Pagkatapos kong gamutin 'tong sugat mo, umuwi ka na." Sinimulan na niyang gamutin ang sugat ko.
Bahagya akong napainda sa sakit dahilan para mapahinto siya.
"Masakit diba. Kaya huwag ka nang maga-attempt na iligtas ulit ako."
"Hindi masakit."
"Asus. Hindi daw. Grabe ka nga maka-ouch kanina. Tingnan mo. Nagalusan tuloy 'yang tuhod mo." Napapailing niyang sabi.
"Masakit kanina. Ngayon, hindi na."
"Tsk. Talaga ba? Tumigil ka nga diyan, Tzuyu. Sabihin mo lang kung masyadong masakit, dadahan-dahanin ko."
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Фанфіки[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022