[Sana's Pov]
Nang maramdaman kong tuluyan nang nakatulog si Dahyun habang nakayakap nang sandal ang ulo sa balikat ko, dahan-dahan ko na siyang inihiga sa kama niya para naman mas komportable ang pagtulog niya.
Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila Nayeon. Hindi ko din alam kung anong koneksyon nila sa isa't-isa.
Pero sa paraan ng pakikiusap niya kanina na gusto muna niyang ma-distract mula sa mga napag-usapan nila ni Nayeon, malakas ang kutob ko na hindi maganda ang koneksyon nila sa isa't-isa.
Gustong-gusto ko talagang malaman kung ano yung pinag-uusapan nila kanina sa classroom tungkol sa mga sikretong nalaman nila. Pero dahil naramdaman ko na nasisira ang mood ni Dahyun dahil doon, minabuti kong huwag na lang munang ipagsapilitan.
Pinilit niya akong sumama kay Mina sa cafeteria kanina kahit na kailangang-kailangan niya ng karamay sa kung ano mang gumugulo sa isipan niya.
Nagdesisyon akong manatili sa tabi niya nang mapansin na may lungkot talagang namumuo sa mata niya.
Hindi ko tuloy maiwasang ma-curious sa kung ano bang pamumuhay ang meron siya. Aware ako na isa siyang pasaway at babaerong bestfriend ng ex ni Mina. Pero hindi ako aware kung ano bang kwento niya.
At ang dahilan kung bakit siya naging kung ano siya ngayon. Minsan, makulit. Minsan, suplado. Minsan, seryoso. Minsan, maalaga. Minsan, gentleman.
Napatingin ako sa kanya na mahimbing na sa pagkakatulog hanggang sa maramdaman ko ang pagkulo ng sikmura ko.
Nagugutom na ako. Oras na pala para kumain ng gabihan. Bigla kong naalala na hindi pa rin nga pala kumakain ng gabihan si Dahyun. Sigurado kong magugutom siya kapag nagising siya mamaya.
Dahil sa sobrang gutom, nagdesisyon akong bumili na ng lutong pagkain sa cafeteria.
Nang makarating ako sa cafeteria, bigla kong narinig ang pagtawag sakin ni Mina.
"Hoy, Sana. Akala ko ba sasamahan mo muna si Dayana? Tapos na ang harutan niyo?"
"Harutan ka diyan. Kalimutan mo na nga yung nakita mo kanina. Dinadamayan ko lang naman siya."
"Bakit? Anong nangyari?"
"Basta. Kailangan niya ng makakasama kanina."
"Hmmm. Ni-reject mo na naman ba?"
"Hindi. Ano ka ba naman, Mina? Basta mahabang kwento. Nandito ako para bumili ng lutong pagkain para sa aming dalawa."
"Ililibre mo na naman si Dayana? Sana, may natitira pa ba diyan sa allowance mo?"
"Siyempre, may natitira pa. Huwag kang mag-alala. Kaya ko 'to. Isa pa, lalabas na din naman ulit tayo sa isang araw. Hahanap ulit ako ng bagong pagkakakitaan."
"Sana, baka naman bumigay ang katawan mo niyan dahil sa dami ng gusto mong pasukan na trabaho."
"Mina, mahirap kasi ang buhay ngayon. Kailangang magbanat ng buto para kumita. Alam mo na, walang ibang inaasahan sina Lolo at Lola kundi ako lang."
"Diba nagwowork ka naman sa restaurant ng Lolo at Lola mo."
"Hindi kasi sapat yung kinikita namin doon. Hindi rin kasi gaano marami ang customers nitong mga nakaraang linggo. Isa pa, gusto ko nang itigil nila Lolo at Lola ang paghahandle sa restaurant namin. Gusto ko na magpahinga na lang sila sa bahay at hayaan na lang na ako ang dumiskarte sa business namin."

BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022