[Sana's Pov]
Sa pag-alis nila Nayeon at Jeongyeon, naiwan akong mag-isa sa kinatatayuan ko. Huminga ako nang malalim bago tuluyang tumalikod upang umalis na.
Sa paglalakad ko, hindi mawala sa isip ko ang reaksyon sa mukha ni Dahyun nang makaharap ko siya kanina. Ngayon ko lang nakita ang ganoong ekspresyon sa mukha niya.
Nahinto ang pagmumuni-muni ko nang makatanggap ako ng tawag sa cellphone. Agad ko itong sinagot nang malaman kong si Mina ang tumatawag.
ON THE PHONE:
"Hello, Sana."
"Mina, bakit napatawag ka?"
"Tapatin mo nga ako. May hindi ka ba sinasabi sakin?"
"Tulad ng ano?"
"Katatawag lang sakin ni Chaeyoung. Kasalukuyan daw niyang hinahanap si Dahyun. Ni-gageu mo daw yung bestfriend niya."
"Saka na lang natin pag-usapan ang tungkol doon, Mina."
"Nako, Sana. Hindi pwedeng saka na lang. Tell me the truth. Totoo bang may ibang lalaki ka nang inide-date ngayon? Nakita daw kayo nila Chaeyoung kanina. Sinabi mo na daw na kayo na ng kung sinong lalaking 'yon."
"Alam kong busy ka, Mina. Saka na lang tayo mag-usap."
"Walang busy-busy sakin kapag ganitong kaso. Nasaan ka ngayon? Magkita tayo. Kailangan nating mag-usap nang masinsinan. Nagwo-worry ako para sayo."
"Pero Mina---"
"Wala nang pero-pero, Sana. I-text mo ang address ng kinaroroonan mo. Susunduin kita, ngayon din."
"Okay. Fine." Wala na akong nagawa kundi pumayag sa kanya.
END CALL
Matapos i-text kay Mina ang kinaroroonan ko, minabuti kong maupo na muna sa isang tabi upang hintayin siya.
"Why?! Sa----Sana, Why?!" Naalala ko ang huling bagay na sinabi sakin ni Dahyun bago siya tuluyang umalis.
Why? Hindi ko rin alam. Hindi ko alam kung bakit kinailangang humantong sa ganito. Basta ang alam ko, napagod na ako.
Lumipas ang ilang oras, dumating na si Mina. Agad na akong sumakay sa kotse niya bago kami tuluyang pumunta sa restaurant na konti lamang ang customer upang makapag-usap nang masinsinan.
"Sana, what happened? May hindi ka ba sinasabi sakin?"
"Napagod ako, Mina."
"Napagod saan?"
"Sa lahat."
"What do you mean?"
"Totoo yung narinig mo kay Chaeyoung."
"Totoo na may iba ka nang inide-date?" Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Mina.
"Kung totoo, bakit pinaghintay mo pa si Dahyun? Bakit parang pinaasa mo pa siya na may pag-asang magkaayos kayo matapos ang paghihintay ng 2 weeks?"
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022
![Yours [SaiDa Fanfic]](https://img.wattpad.com/cover/243409578-64-k26511.jpg)