[Dahyun's Pov]
Sa pagpunta namin ni Sana sa cafeteria, naupo lamang siya sa isang tabi.
"Sana, Anong gusto mong kainin?"
"Hindi na. Ayos na ako sa cup noodles."
"Aish. Libre ko naman 'to."
"Nagda-diet ako eh." Diet pa siyang nalalaman. Kung alam lang sana niya na alam kong ginastos na niya yung huling allowance niya sa pagbili ng lunch ko noong isang araw.
"Ayos lang talaga. Lakad na. Um-order ka na ng pagkain mo." Makulit siya pero mas makulit ako.
"Kung ano na lang ang order-in ko, ganon din sayo."
"Hoy, Dayana! Huwag na." Hindi na siya nakaangal pa dahil tuluyan na akong lumapit sa counter.
Habang naghihintay sa harap ng counter para sa in-order namin, hindi ko maiwasang mapalingon kay Sana na tahimik lamang na nakaupo sa pwesto namin.
"Ito na ang order niyo." Rinig kong pagkakasabi ng cook sa cafeteria habang hindi pa rin inaalis ang tingin ko kay Sana na agad namang napalingon sa kinaroroonan ko.
Bigla siyang ngumiti habang kumakaway sakin.
"Ang ganda."
"Ano 'yun?" Natauhan ako nang tuluyan nang nabaling sa cook ang atensyon ko. Napasampal ako sa pisnge ko. Kung ano-ano na namang sinasabi ko.
Totoo naman na maganda si Sana. Hindi ko naman dine-deny 'yon. Basta 'yun lang 'yon. Nagagandahan ako sa kanya pero hindi siya ang pinunta ko sa lugar na 'to.
"Ang ganda po ng pagkakaluto niyo sa pagkain. Salamat po." Sabi ko na lang sa cook sabay bayad ng pera bago tuluyang dalhin ang mga pagkain sa pwesto namin ni Sana.
Nang makaupo na ako sa harapan ni Sana, bigla siyang humagikhik.
"May problema ba, Sana?"
"Napapansin kong palagi mong sinasampal nang slight ang sarili mo." Nahagikhik pa rin siya habang nagsasalita.
"Ah. Wala 'yon. Madalas kong ginagawa 'yon kapag nawawala ako sa focus."
"Ganun ba? Nakita kitang ginawa 'yon kanina. Nawala ka sa focus?"
"Parang ganun na nga."
"Ano namang nakapagpawala sayo sa focus? Kumaway lang naman ako sayo kanina." Natigilan ako sa pagsasalansan ng mga pagkain namin sa sinabi niya.
"Huwag mo na ulit uulit 'yon."
"Ang alin?" Mabilis na tanong niya.
"Yung pagkaway nang nakangiti sakin."
"Bakit naman?"
"Wala lang."
"Ang daya. Bakit wala lang? Weird ba tingnan?" Curious na tanong niya.
"Oo. Weird. Sobra." Mabilis na sagot ko sabay lagay sa harapan niya ng pagkain niya.
"Salamat sa pagkain, Dayana."

BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022