20 : Lolo at Lola

272 19 0
                                        

[Sana's Pov]

"Dayana." Pagtawag ko kay Dayana sa paglabas ko ng kotse ng kaibigan niya.

"Hmmm?"

"Maraming salamat." Tumango na lang siya sakin bago tuluyang umalis kasama ng kaibigan niya.

Napahinga ako nang malalim nang harapin ko ang apartment na tinitirhan ko.

"Sana, Relax ka lang." Sabi ko sa sarili ko bago tuluyang pumasok sa loob.

"Sana, Apo." Bumungad agad sakin ang Lolo at Lola ko.

"Bakit gising pa po kayo? Malalim na ang gabi."

"Hinihintay ka namin ng Lola mo." Sagot ni Lolo.

"Nag-aalala kami na baka kung ano nang nangyari sayo." Dagdag naman ni Lola.

"Pasensya na po. Medyo naging busy po kanina sa trabaho." Agad akong naupo sa pwesto sa gitna nila.

"Kumusta naman ang trabaho mo bilang waitress sa isang club bar? Wala naman bang nambabastos sayo? Kung meron, sabihin mo para hahampasin ko ng dospordos." Hindi ko napigilang mapahagikhik dahil ang sweet ng Lolo ko.

"Lolo naman."

"Aba. Apo, seryoso kami ng Lolo mo na lagot samin ang kung sinong manakit sayo. Mukha lang kaming mahina pero kayang-kaya ka naming ipagtanggol sa mga aapi sayo." Dagdag ni Lola kaya napa-akbay ako sa kanila.

"Lolo at Lola, sa totoo ---" Hindi ko naituloy sabihin na tanggal na ako sa trabaho ko sa club bar bilang waitress dahil ayokong mag-alala pa sila kapag nalaman nila ang dahilan.

Ikatlong beses na pagtatrabaho ko pa lang sa club bar na 'yon tapos malalaman nila Lolo na tanggal agad ako. Bago magsimula ang pag-aaral ko ngayong taon, dalawang beses na akong nakapagtrabaho sa club bar na 'yon. At ang ikatlong beses ay ang kanina.

"Ano 'yun, Apo? May problema ba?"

"Wala naman po, Lolo. Ayos naman po ang pagtatrabaho ko don. Wala naman pong problema. Kayo po? Kumusta naman po ang pagma-manage sa restaurant natin?" Ilang beses ko nang kinukumbinsi sina Lolo at Lola na hindi na nila kailangan magtrabaho sa restaurant namin kaso mapilit talaga sila kaya wala akong magawa kundi hayaan sila.

Gusto ko sana na magpahinga na lang sila dito sa bahay. Gusto ko sana na ako na lang ang bahalang humanap ng pagkakakitaan para sa aming tatlo kaso ayaw nilang pumayag dahil nag-aaral pa daw ako. Mahirap daw pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho.

Naiintindihan ko naman ang point nila kaso hindi ko mapigilang mag-alala sa kanila. Sila na lang ang meron ako at ako na lang ang meron sila. Wala na akong ibang pamilya bukod sa kanila.

Pumanaw ang nanay ko noong isinilang niya ako. Pumanaw naman ang tatay ko noong bata pa lamang ako dahil sa sakit sa puso kaya naman ang Lolo at Lola ko na ang gumabay sakin simula noon.

"Kumain ka na ba, Apo?" Tanong ni Lola sakin.

"Opo." Mabilis na sagot ko para hindi na mapagod pa si Lola na magluto para sakin kaso biglang kumulo ang tiyan ko.

"Hindi marunong magsinungaling ang sikmura mo, Apo." Natatawang sabi ni Lolo sabay pisil nang slight sa ilong ko.

"Ayos lang po talaga ako, Lolo at Lola. Ako na pong bahala magluto ng kakainin ko. Matulog na po kayo."

"Nako, Apo. Ako na ang magluluto para sayo. Namiss ko namang ipagluto ka nang ilang araw dahil sa pananatili mo sa paaralan mo. Pagbigyan mo na kami ng Lolo mo. Bukas, babalik ka na ulit sa paaralan mo eh." Pagpupumilit ni Lola kaya naman napayakap ako sa kanilang dalawa.

"Salamat, Lolo at Lola. The best talaga kayo!" Masayang pagkakasabi ko habang yakap-yakap sila.

"Ikaw pa, Apo. Alam mo namang gagawin namin ang lahat para sayo."

"Ganun din po ako sa inyo, Lolo at Lola. Gagawin ko rin po ang lahat para sa inyo." Sagot ko sabay sunod na sa kanila sa kusina upang tumulong sa pagluluto.

Matapos naming magluto, sinabayan nila ako sa pagkain. Sa tuwing ganito, parang nawawala ang lahat ng pagod ko sa buong araw.

Matapos kumain, nagdesisyon nang matulog sina Lolo at Lola habang abala naman ako sa pagliligpit ng mga pinagkainan namin.

Sa pagliligpit ko, bigla kong naalala si Dayana. Hindi pa rin ako makapaniwala na si Dayana yung kanina. Akala ko kung sinong gentleman na to the rescue para sakin. Hindi ko inaasahan na magkikita kami sa lugar na 'yon.

Sa mga oras na 'yon, hindi ko maitatanggi na ang astig ni Dayana. Kung wala siya doon, baka kung ano nang nangyari sakin. Sobrang lakas niya para sa isang babae. Nagji-gym talaga siguro si Dayana.

Hindi ko tuloy mapigilang ma-guilty dahil nasaktan na naman siya dahil sakin. Tinamaan siya ng suntok ng bastos na lalaki sa club bar. Ayos lang kaya talaga siya? Sigurado akong masakit 'yon eh. Sana ayos lang talaga siya.

Bukas, babalik na ulit kami sa university. Sana makabawi ako sa kanya kahit paano. Isa pa, namimiss ko na rin makipag-asaran sa kanya eh. Madalas niyang ipinapakita sakin yung pagiging cold niya pero nararamdaman ko na magkakasundo din kami nang sobra balang araw.

Gusto ko talaga siyang maging kaibigan. Hindi ko maipaliwanag eh. Gusto ko talaga siyang mas makilala.

Matapos magligpit, napansin ko ang cup noodles na nakalapag sa lamesa. Hindi ko naiwasang mapatawa nang slight dahil naalala ko yung nakakatawang pangyayari samin ni Dayana noong ma-locked kami sa classroom.

Ako nga pala si Sana. 20 years old. Nahihirapan sa pagsubok ng buhay pero hinding-hindi susuko.

▪️▪️▪️▪️▪️

A|N : Eto muna sa ngayon. 😉

Yours [SaiDa Fanfic]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon