[Dahyun's Pov]
Ilang araw ko din na inisip kung tama bang tumuloy ako sa napag-usapan namin na lugar noong nagtext sakin na mula sa unknown number.
I mean, gustong-gusto kong malaman kung sino yung may-ari ng school na 'to na siyang gumamit sa personalidad ko nang walang permiso para sa pa-event kuno ng school na 'to.
Pero sa loob-loob ko, naiisip ko si Sana. Hindi naman sa natatakot ako na baka may masamang balak sakin yung kung sinong gustong makipagkita sakin. Ang sakin lang, iniisip ko si Sana.
Oo, iniisip ko siya. Paano kung may mangyaring ganito o ganyan? Tapos hindi na ako makabalik sa kanya.
Hindi ko rin alam kung bakit may ganito akong feeling. Siguro nago-overthink lang ako kaya nagkakaganito ako. Siguro nai-stress lang ako sa kagustuhang malaman kung sino talaga yung may pakana ng event thingy na 'yon.
Aish. Kung ano-ano nga lang siguro iniisip ko. As if namang may makagawa ng masama sakin diba. Kim Dahyun ata 'to. Isa pa, baka isang suntok ko lang sa kung sino na 'yon eh.
Hindi ko magagawang protektahan si Sana sa kahit na anong bagay kung magpapadala ako sa takot. Gusto ko nang mawala sa isipan ko yung mga bagay-bagay na muntik nang makasira sa koneksyon namin ni Sana.
Para magawa ko 'yon, kailangan kong harapin 'yon kahit na anong mangyari dahil hindi ako makakaabante sa buhay kung tatakas lang ako.
Isa pa, maling-mali yung ginawa ng may-ari ng school na 'to. Hindi dapat i-tolerate ang ginawa niya. Kung hindi ko siya pagsasabihan, baka may iba pang makaranas nito.
"Dahyun." Nahinto ang pagmumuni-muni ko nang bigla akong tawagin ni Sana.
"Ah. Eh. Ano 'yon, Sana?"
"Ayos ka lang ba?" Curious na tanong niya habang nag-aasikaso ng bag niya.
Ngayon kasi ang araw ng muling paglabas namin ng school. Ngayon din ang araw na kakaharapin ko kung sinong gustong makipagkita sakin sa address na natanggap ko.
"Oo naman, Sana. Ayos lang ako." Mabilis na sagot ko sa kanya.
"Sigurado ka? Napapansin ko kasi na parang may malalim kang iniisip nitong mga nakaraang araw. Kung may bumabagabag sayo, pwede mong ikwento sakin."
"Salamat, Sana. Ayos lang talaga ako. Sadyang mamimiss lang talaga kita kaya siguro napapatulala ako."
"Isang araw at mahigit lang naman tayong magkakahiwalay, Dahyun. Magkikita din naman tayo ulit dito sa school."
"Pero mamimiss pa rin kita. Ikaw? Hindi mo ko mamimiss?"
"Aba. Tinatanong pa ba 'yan? Siyempre, hindi." Natigilan ako sa sagot niya.
"Hindi?"
"Hindi."
"Sige. Mauna na akong aalis." Pag-acting ko na lalabas na ng pinto kaya agad niya akong pinigilan.
"Hoy. Teka nga. Ikaw naman. Hindi ka na mabiro, Dahyun."
"Alam mo namang palagi akong seryoso pagdating sayo." Napapa-pout na sagot ko.
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfic[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022