27 : Move On?

277 22 2
                                    

[Sana's Pov]

Sa pagpunta ko sa kwarto nila Mina, wala doon si Momo. Nasaan na kaya ang isang 'yon?

"Mina."

"Sorry, Sana."

"For what?"

"May naistorbo ata akong bebe time."

"Bebe time?"

"Wrong timing ako kanina. Diba?" Napapakamot-ulo na tanong niya.

"Sira ka talaga. Yung tungkol sa naabutan mo kanina. Let me explain."

"Huwag ka nang mag-explain. Alam ko nang may something talaga sa inyo ni Dayana."

"Lah. Ayos ka lang, Mina? Nagpapatawa ka ba? Wala namang meron saming dalawa."

"Aish. Tama nang kakatanggi, Sana. Mabuti pa, samahan mo muna kong bumili sa canteen."

"Hindi pa ako tapos mag-explain."

"Mag-explain ka na lang habang naglalakad tayo."

"Baka may ibang makarinig."

"Eh ano? May idea na naman ang karamihan dito sa school sa relasyon niyo ni Dayana."

"Relasyon? Mina, Ano ba naman 'yan? Baka lagnatin ako sa sinasabi mo."

"Baka kamo lagnatin ka dahil sa init na pinagsaluhan niyo ni Dayana kanina."

"Mina, ang bastos ng bibig mo."

"Whatever, Sana. Let's go. Nagugutom na ako." Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya papasok sa elevator.

"Bigla niya na lang akong hinalikan." Gigil na pagkakasabi ko kay Mina sa loob ng elevator. Mabuti na lang kaming dalawa lang ang nasa loob.

"Sa ikalawang beses?"

"Oo!"

"At bakit niya naman gagawin 'yon?"

"May nalaman kasi ako tungkol sa kanya. Gusto ko lang naman makasigurado na walang maaagrabyo sa nakakagulat na nalaman ko sa kanya."

"Ano bang nalaman mo tungkol sa kanya? Parang grabe naman yung nalaman mo kung makareact ka ngayon."

"As in grabe talaga."

"Ano nga kasi 'yon?" Bigla akong natigilan nang maalala ko ang sinabi ko kay Dahyun na hindi ko siya isusumbong kay Mina o sa kahit na sino.

Hmmm. Isumbong ko na kaya siya nang tuluyan? Hindi ko naman siya gaano pang kilala para maniwala na wala talaga siyang gagawing gulo. Isa pa, baka plano talaga niyang agawin si Mina sa bestfriend niya.

"Mina, ano kasi eh."

"Ano? Sana, sabihin mo na." Ewan ko ba kung bakit nagdadalawang-isip akong sabihin ang katotohanan kay Mina.

Paano kung totoong plano ni Dahyun na makapagbalikan sina Mina at Chaeyoung?

Sigurado akong mahal pa ni Mina ang ex niya. Sa tingin ko, matino naman talaga si Chaeyoung. Etong si Dahyun lang talaga ang problema. Hmmm.

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon