65 : Fake News!

247 15 23
                                        

[Mina's Pov]

Matapos makausap sa phone si Chaeyoung, inituloy ko na ang paghanap sa kinaroroonan nila Sana. Sakto namang nakasalubong ko si Momo.

"Hi, Mina."

"Oh, Momo. Ikaw pala."

"Alam mo na ba ang balita?"

"Tungkol saan?"

"Tungkol sa balitang iisa lang si Dayana at Kim Dahyun. Grabe. Hindi ko inakala 'yon."

"Ah. Oo. Hehe. Nabalitaan ko na." Sabi ko na lang kahit na alam ko na naman talaga ang katotohanan sa balitang 'yon.

"Isang malaking pasabog sa school ang balitang 'yon. Napapaisip tuloy ako kung bakit nagdisguise si Kim Dahyun dito bilang Dayana."

"Ako din eh. Sige, Momo. Mauna na ako. Hahanapin ko pa si Sana."

"Alam na ba ni Sana? Sigurado akong nagulat din siya."

"Siguro. Sige, Momo. Babye." Nagmadali na ako sa pagpapatuloy sa paghanap kay Sana.

Sakto namang nakasalubong ko si Sana.

"Hoy, Sa ---" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nang mapansin na umiiyak siya.

Sinundan ko agad siya na tuloy lang sa paglakad sa hallway nang umiiyak kahit na may mga estudyanteng napapatingin na sa kaniya.

"Sana, Bakit umiiyak ka? Anong ginawa ni Dahyun sayo?"

"Ayos lang ako, Mina."

"Ayos lang? Umiiyak ka eh."

"Ayos lang talaga ako."

"Hi, Sa ---" Nakasalubong namin si Momo na nagulat din nang makitang umiiyak si Sana.

Nagpatuloy lang sa paglakad si Sana kaya naman minabuti kong sumunod na lang kung saan siya pupunta.

Dumiretsyo siya sa kwarto nila ni Dahyun. Napahinga ako nang malalim habang pinagmamasdan siyang nakaupo sa gilid ng kama niya. Umiiyak pa rin siya.

"Ah. Eh. Kung mas gusto mong mapag-isa muna, maiintindihan ko. Kung gusto mo naman ng kausap, nandito lang din ako." Sambit ko na lang sa kanya na nakayuko lang.

"Mina." Akma na sana akong aalis nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Yes? Ano 'yun, Sana?"

"Since hindi na babalik sa school na 'to si Dahyun, pwede bang humingi ng pabor?"

"Hmmm. Sige. Ano 'yun?"

"Pwede mo bang kunin ang mga natirang gamit ni Dahyun dito? Pakisabi na lang kay Chaeyoung na pakikuha na lang sayo."

"Sure. No problem, Sana. Ayos ka lang ba? Ano bang nangyari sa inyo? May ginawa ba si Dahyun sayo?"

"Ayos lang ako, Mina. Wala siyang ginawang masama. Gusto ko lang ng space. Nakiusap ako sa kanya na umagwat muna sakin nang dalawang linggo."

Yours [SaiDa Fanfic]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon