83 : Roommates

116 9 8
                                        

[Chaeyoung's Pov]

"Mina" Matapos mag-usap ni Mina at Sana, lumapit na agad ako sa kanya sa tabing-dagat.

"Oh, Chaeyoung."

"We need to talk."

"About what?"

"Tell me the truth. Bakit hindi mo sinabi sakin na isasama mo dito si Sana?"

"It's a long story, Chaeyoung."

"Makikinig ako. Ang sakin lang, you should at least tell me. Don't you feel the tension here? Gets ko na bestfriend mo si Sana at kahit paano naka-bond rin namin siya pero kasi---"

"I'm sorry." Matipid na sagot niya.

"Mina, huwag sanang umabot na pag-awayan pa natin 'to. Ayokong makipag-away sayo. Walang madudulot na maganda 'yon sa relasyon natin. Ang sakin lang, pwede bang sabihin mo sakin kung para saan ang mga 'to?"

"Naiintindihan kita, Chaeyoung. No need to worry. Hindi ako magagalit kung napapa-feel ko sayo na hindi importante ang opinyon mo sa mga bagay na pinagdedesisyonan ko. I'm really sorry. Pwede bang next time ko na lang sabihin sayo? Sobrang complicated ikwento ngayon. Isang maling kilos, pwedeng--" Hindi ko na napigilang yakapin siya nang mahigpit nang mapansin ko ang frustration at pressure niya.

"Ssshhh. It's okay, Mina. Naiintindihan ko. I'm not mad at you. Worried lang talaga ako sayo. Always remember that I'm always here for you. Kung may bumabagabag sayo, pwede mo kong pagsabihan. Kung kailangan mo ng tulong, I'll do my best. I love you, I always do." Hinalikan ko siya sa noo.

"I love you too. Sorry, kung nabigla kita sa desisyon kong isama si Sana dito"

"No need to apologize to me, Mina. I think, mas kailangan mong kausapin si Dahyun tungkol diyan. Sigurado kong nabigla siyang makita ulit si Sana."

"Tama ka. See you later. Kausapin ko lang si Dahyun." Tumango na lang ako bago siya tuluyang pumunta kay Dahyun.

Pabalik na sana ako kila Jeongyeon nang mapansin ko si Sana na nakatayo lang sa gilid nila Nayeon na halata namang hindi siya pinapansin. Hindi ko rin naman masisisi sila Nayeon. Kung ako ang nasa posisyon ni Nayeon bilang kapatid ni Dahyun, sasama rin ang loob ko kay Sana.

Minabuti kong lapitan na si Sana para tulungan siyang buhatin ang gamit niya at ang gamit ni Mina.

"Ihatid na kita sa kwartong tutuluyan niyo ni Mina. Ako sana ang magiging roommate niya pero pwede naman akong makisiksik sa kwarto ni Dahyun."

"Pwede namang si Sana na lang ang maging roommate ni Dahyun." Biglang sabi ni Mommy M.

"Mommm!" Saway ni Nayeon sa Mom niya.

"Bakit? It's not like, may gagawin silang masama. Diba? Roommate lang naman."

"Kung may dapat mang roommate si Dahyun, si Tzuyu na lang." Dagdag ni Nayeon sabay irap kay Sana.

"Si Jeongyeon ang roommate ni Tzuyu. 'Yan ba talaga ang dahilan ang iniiyak-iyak mo diyan, Anak? Hindi dahil 'di kita pinayagan maging roommate si Jeongyeon?"

"Okay lang po sakin na hindi ko roommate si Nayeon, Mommy M. Gets ko naman po na kahit approved ako sa inyo eh gusto niyo pa rin na hindi namin madaliin ang mga bagay-bagay." Nakangiting sabi ni Jeongyeon.

"Well, 'di naman talaga yun ang kaso. Wala namang kaso sakin kung roommate kayo ng anak ko. Gusto ko lang talaga siyang maka-bonding. Kung gusto mo, pwede ka rin naman sa kwarto namin." Paliwanag ni Mommy M.

"Okay lang po ako. Si Tzuyu na po ang roommate ko. Kawawa naman kung mag-isa lang siya sa kwarto. Isa pa, para naman po komportable kayong magbonding ni Nayeon." Pagtanggi ni Jeongyeon sa offer ni Mommy M.

"I don't really mind kung may roommate man ako o wala. Okay lang din kung roommate ko si Jeongyeon. Pero I think, mas maganda kung kami na ni Sana ang magroommate. Diba, Sana?" Biglang sumulpot si Tzuyu.

"Huh? Ah. Eh. Oo naman. Walang kaso sakin 'yun." Agad na sagot ni Sana.

"So okay na? Si Sana at Tzuyu ang roommates. Solo si Dahyun. Si Mommy M, Nayeon, at Jeongyeon. Tas kami ni Mina." Nakakahiya din kasi kay Dahyun. Siya na nga nag-invite samin dito, kaya mas magandang solo siya since doon naman siya komportable.

"Mas maganda kung ikaw ang kasama ni Mommy M at Nayeon. Ako ang roommate ni Mina." Napatingin ako nang masama kay Jeongyeon. Hayp na 'to. Pabor na nga sa amin pareho ang line-up na binanggit ko. Ayaw pa niya?!

"Mas okay yung binanggit ko, Jeongyeon. Huwag kang ano diyan."

"Ikalma mo 'yang ano mo, Chaeyoung. Ibigay na natin 'to kay Mommy M. Hindi sila makakapagbond nang nandoon ako. Patawanin mo na lang sila since diyan ka lang naman magaling." Bulong ni Jeongyeon sakin. Gageu 'to. Trashtalk 'yon ah! Gagawin pa akong personal clown nila Mommy M at Nayeon.

"Baka kung anong gawin mo sa Mina ko ha. Sapak ka sakin." Bulong ko rin sa kanya.

"Huwag mo kong itulad sayo. Ikaw lang naman ang may masamang balak sa ating lahat dito. Huwag kang mag-alala. Lalo kong pai-inlove-in si Mina sayo. Kukwentuhan ko siya kung gaano siya kaswerte sayo." Bulong ulit niya sakin.

"Teka. Bulangan kayo nang bulungan diyan. Mga bubuyog ba kayo?" Kunot-noong tanong ni Nayeon saming dalawa.

"Hayst! Okay. Ako, si Mommy M at Nayeon ang magkakasama. Solo si Dahyun. Si Mina at Jeongyeon. Si Sana at Tzuyu."

"Pero Jeongyeon---" Malungkot na sabi ni Nayeon.

"Nayeon, alam kong mahal na mahal natin ang isa't-isa kaya hindi tayo mapaghiwalay pero minsan kailangan rin nating ma-miss ang isa't-isa. Huwag kang mag-alala, susulat ako sayo." Dramatic na pagkakasabi ni Jeongyeon.

"Ang corny. Bwisit! Ayusin na nga natin 'tong mga gamit niyo!" Agad na kaming nagsikilos para dalhin ang mga gamit namin sa bawat kwarto.

Napatingin ako kay Tzuyu at Sana na magkatulong na dinala ang gamit nila kaya gamit na muna ni Dahyun at Mina ang inasikaso ko.

Wait, mukhang walang issue yung dalawang 'yon kahit pareho silang love interest ni Dahyun. Hmmm, nakakapagtaka.

▪️▪️▪️▪️▪️

A/N: June 02, 2022 pa pala huling update ko dito HAHAHA. Ngayong July 24, 2022 na ulit naka-ud 🤣

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon