[Dahyun's Pov]
Payapa akong nakaupo sa isang tabi sa labas habang iniisip kung anong gagawin ko sa katotohanang nalaman ko.
Kung wala naman talagang relasyon sina Sana at Heechul, bakit nagpanggap siyang may namamagitan sa kanila? Para ba pagselos-in ako? Sinabihan kaya siya ng Dad kong layuan ako?
Imposible namang si Lolo ang nag-utos sa kanyang layuan ako dahil ang pagkakaalam ko ay busy ang Lolo ko sa family business namin.
Imposible rin namang si Mommy M dahil maayos na ang relasyon naming dalawa bilang pangalawang nanay ko.
Trip niya lang kaya 'yon? Kung trip niya lang 'yon, bakit parang kakaiba ang pakikiusap nila Tzuyu at Mina sa akin kanina na huwag munang ipaalam kay Sana na alam ko nang wala talaga silang relasyon ni Heechul? Bakit parang may takot sa pakikiusap nila kanina?
Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano-ano. Ano ba talagang bagay ang nalalaman nila na hindi ko alam? Pakiramdam ko, may kung anong paparating na hindi maganda.
Tatayo na sana ako para pumasok sa loob nang biglang tumunog ang phone ko. Napakunot-noo ako nang makitang may natanggap akong text mula sa unknown number.
"Curious ka kung nasaan ba talaga ang Lolo mo?"
Napaisip ako sa nabasa ko. Si Lolo? Anong sinasabi ng unknown number na 'to? Busy ang Lolo ko sa family business namin.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit matagal-tagal na siyang hindi nagpapakita sayo?"
The hell? Ano ba 'to? Kung sinong nampa-prank lang? Wrong number ata nasend-an nito. Hindi ko na sana papansinin nang magtext ulit siya.
"I-check mo yung email ko sayo para malaman mo kung nasaan ba talaga ang Lolo mo at para malaman mo na rin na pinapaikot-ikot ka ng mga taong kasama mo ngayon. Ipinagkakait nila sayo ang karapatan mong malaman ang kalagayan ng Lolo mo."
Ano bang sinasabi nitong taong 'to? Maya-maya, nakatanggap ako ng email mula sa unknown email address.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang attached photo kung saan makikitang magkasama sila Sana at Lolo sa iisang lugar. May litratong kasama naman ni Lolo ang Lolo't Lola ni Sana. May ilang litrato din kung saan inaabutan ni Lolo ng pera si Sana.
Sa email, may attached message.
"Inilihim ni Sana sayo na may malubhang karamdaman ang Lolo mo. Tumatanggap siya ng bayad sa Lolo mo para hindi mo malaman ang katotohanan. Look, ipinaubaya pa niya sa Lolo mo ang pag-aalaga sa Lolo at Lola niya. Iniwan ka niya, para mas mapunta ang focus mo sa pag-iwan niya sayo."
No, why would she do something like this? Kalokohan. As if namang magagawa 'to ni Sana. Okay ang Lolo ko. Wala siyang idinadaing na karamdaman sakin. Walang nabanggit si Sana na nakasama niya ang Lolo ko. Photoshopped siguro 'to.
Maya-maya, may nareceive ulit akong email na may attached video. Nanlaki ang mata ko nang makita si Heechul na nakaharap sa camera.
"Hello, Kim Dahyun. Sigurado naman akong namumukhaan mo ko't alam mo na kung sino ako. It's me, Heechul. Sigurado rin akong nagtataka ka kung bakit mo nareceive 'to. Gusto ko lang sabihin sayo na totoo ang nareceive mong unang email. Nagsinungaling si Sana sayo. Isa ako sa mga tauhan ng Lolo mo, mukhang napaniwala siya ni Sana na kinamumuhian mo siya bilang Lolo mo kaya naisip ng Lolo mong huwag ipaalam sayo ang katotohanan. Narinig at nasaksihan ko ang lahat ng mga nasa litrato. Nakiusap si Sana sakin na magpanggap na boyfriend niya para linlangin ka. Hindi ko na kayang tiisin ang kasinungalingan ni Sana kaya sinasabi ko sayo 'to." Sambit ni Heechul sa video.
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022