2 : Where's My BGM?

532 18 9
                                    

[Dahyun's Pov]

Ang lawak pala ng lugar na 'to. Harapan palang ng university ang nalalakad ko, pagod na pagod na agad ako.

Sandali akong napahinto sa paglalakad nang may madaanan akong malaking salamin kung saan nakita ko ang itsura ko.

"Parang kailan lang, ang gwapo mo pa. Ngayon, ang ganda mo na." Nasabi ko na lamang habang pinagmamasdan ang itsura ko sa salamin.

"Sigurado kong makaka-magnet ng chicks 'tong mga muscle ko." Dagdag ko sabay flex ng braso ko sa harap ng salamin.

Natigil lamang ako sa ginagawa ko nang mapansin kong napapatingin na sakin ang mga babaeng estudyante na napapadaan sa gilid ko.

"Ah. Ganon magflex ng muscle yung manliligaw ko. Hehehe." Palusot ko sa kanila ngunit tumuloy lamang sila sa paglalakad na para bang nawi-weirdo-han sa mga kilos ko.

Agad na akong nagmadali sa paglalakad upang mabawasan ang kahihiyan na kinasangkutan ko. Parang gusto kong sampalin ang sarili ko.

Ang bilis kong mawala sa konsentrasyon sa misyon ko. Malalagot ako nito kay Chaeyoung.

"Chill, Dahyun. Kaya mo 'yan. Hindi sila makakahalata." Kinumbinsi ko ang sarili ko na magiging matagumpay din ang misyon na 'to.

Sa ngayon, kailangan ko munang mahanap  yung classroom ko. Ay. Siguro nagtataka kayo kung anong course 'yung kinuha ko. IT yung kinuha ko, siyempre kasi nasa IT department si Mina.

Hindi ko inaasahan na mag-aaral ulit ako ngayong matagal na akong graduate ng Bachelor of Business Management. Ewan ko ba kung paanong hiwaga ang ginawa ni Chaeyoung para maipasok ako sa university na 'to.

Ang tanong, paano ko ngayon matutunton ang classroom na hinahanap ko? Saang lupalop ba ng lugar na 'to nakadistino ang classroom na nakalagay dito sa schedule na hawak ko?

Halos magkanda hilo-hilo na ako sa kakaikot sa paligid hanggang sa may makabungguan akong babae. Aksidenteng bumagsak sa sahig ang hawak kong schedule dahilan para pulutin niya ito para sakin.

"Sorry, Hindi ko sinasadya." Rinig kong pagkakasabi niya sabay abot sakin ng copy ng schedule ko.

Nang magtagpo ang mata namin, mas lalo akong nakumbinsi na magagandang dilag talaga ang nag-aaral sa lugar na 'to.

"Ayos ka lang? Sorry." Para akong natameme sa ganda ng babaeng nasa harapan ko. Nakasuot siya ng salamin at nakatirintas ang buhok. Cutie!

"Ah. Ayos lang ako. Salamat." Agad na sagot ko nang makabalik ako sa reyalidad.

"IT student ka din?" Sambit niya dahilan para mapatango ako.

"Paano mo nalaman?"

"Nakita ko sa schedule mo."

"Ganun ba? Ikaw? Estudyante ka din dito?" Tanong ko sa kanya kahit na obvious na estudyante din siya dahil pareho kami ng uniform na suot.

"Oo. IT student din ako."

"Talaga? Anong section mo?"

"BSIT1C"

"Woah! 1C ka din?" Gulat na tanong ko dahilan para mapatango kaagad siya sakin.

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon