70 : Icing

253 16 6
                                    

[Dahyun's Pov]

"Bato! Bato! Pick!"

"Oh ha! Taya ka na naman!"

"Hoy! Madaya ka, Jeongyeon."

"Madaya? Papel ang sakin. Bato sayo."

"Bato ka diyan? Kamao ko 'to. May laban ba 'yang papel mo sa kamao ko kapag sinapak na kita sa mukha?" Depensa ni Chaeyoung.

"Gageu ka ba? Asar-talo ka kamo. Iyakin. Potek. Pikon. Mananapak na ng mukha dahil sa bato bato pick." Sambit naman ni Jeongyeon.

"Hoy! Jeongyeon at Chaeyoung, tigilan niyo na 'yan. Para kayong mga batang nag-aaway diyan sa gilid." Saway sa kanila ni Nayeon.

"Kanina pa 'yang dalawang 'yan nagtatalo dahil diyan." Dagdag ko kaya napakamot-ulo na lang si Nayeon.

"Dahyun, kanina ka pa din naman tingin nang tingin sa kalendaryo. Pinakialamanan ka ba namin?" Extra ni Chaeyoung sakin.

"Pansin ko nga din." Biglang sabi din ni Jeongyeon sabay ngisi sakin.

"Ano ba kayo? Malamang excited kasi si Dahyun na matapos ang 2 weeks na paghihintay niya para muling makita si Sana. Ayiieeh!" Pang-aasar ni Nayeon sakin.

"Nayeon, lovelife niyo ni Jeongyeon ang atupagin mo." Asar na pagkakasagot ko.

"Anong lovelife-lovelife ang naririnig ko diyan? Tulungan niyo na lang kaya akong magbake ng cake dito." Sumilip si Tzuyu mula sa kusina.

Yes. Alam na ni Tzuyu ang tungkol sa sikreto ni Nayeon at Jeongyeon. Paano ba naman kasi? Sa ilang araw na pagbisita ni Tzuyu dito, hindi talaga mapigilan ng bunganga ni Chaeyoung na magdadaldal.

Pasalamat na lang siya't nagsabi si Tzuyu na wala siyang ibang pagsasabihan tungkol sa nalaman niya. Tunay nga talagang kaibigan 'tong si Tzuyu. Marunong magkeep ng sikretong naibahagi sa kanya.

Dalawang araw na lang, makikita ko na ulit si Sana. Sa sobrang excited ko, binilugan ko na sa kalendaryo ang araw kung kailan muli ko siyang makakakausap.

Sobrang nagpapasalamat ako kila Tzuyu dahil pinapalakas nila ang loob ko sa bawat araw na lumipas. Sa tuwing mago-overthink ako tungkol sa amin ni Sana, palagi nilang sinasabi sakin na walang dahilan para sumuko ako nang basta-basta.

At ngayon, heto. Malapit ko na ulit makita at makausap si Sana nang personal. Miss na miss ko na siya. Pero bilang respeto sa kagustuhan niya, minabuti kong maghintay na lamang.

Sa ilang araw na pagbisita ni Tzuyu dito, mas napalapit siya samin. Kumbaga, naging close na rin kaming lahat dito sa halos araw-araw na pagba-bonding namin.

"Iba ka talaga, Dahyun. Nag-aral pang magbake si Tzuyu para sayo." Pang-aasar sakin ni Chaeyoung.

"Gageu ka talaga, Chaeyoung. Marunong na talagang magbake si Tzuyu. Diba, Tzuyu?" Hindi agad nakasagot si Tzuyu sakin dahilan para mapatawa sila Chaeyoung.

"Ah. Eh. Hindi talaga ako marunong magbake. Gusto ko lang i-try para sayo at sa kanila." Napapakamot-ulo na sagot niya sakin.

"Ah. Ganun ba? Pasensya na. Hindi rin ako marunong eh. Haha." Natatawang sagot ko.

"Naks. Para sayo at para sa kanila daw, sabi ni Tzuyu. Dahyun lang sakalam!" Extra ni Chaeyoung samin.

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon