35 : Ssshhh

313 25 4
                                        

[Dahyun's Pov]

"Okay, Class. That's all for today." Nang matapos ang huling klase namin ngayong araw, naghanda na ako para sa pagbalik sa kwarto namin ni Sana.

"Anong pinag-uusapan niyo ni Nayeon kanina?" Bungad sakin ni Sana.

"Mamaya na lang natin pag-usapan 'yon, Sana."

"Ngayon na."

"Aish. Mamaya nga sabi, Sana. Don na lang sa room natin."

"Tsk. Sige na nga. Tara na." Yakag ni Sana sakin. Chismosa din 'tong isang 'to eh.

"Bye, Guys." Pagpapaalam ko kina Momo. Akma na sana akong susunod kay Sana nang bigla kong marinig ang boses ni Nayeon.

"Dayana."

"Ano 'yon?" Seryosong pagkakatanong ko sa kanya.

"May kailangan tayong pag-usapan."

"Ano naman 'yon? Kung may sasabihin ka, sabihin mo na ngayon."

"Mas magandang pag-usapan 'yon nang tayong dalawa lang." Pagpupumilit niya.

"Paano kung ayaw ko? Kailangan na naming bumalik ni Sana sa kwarto namin." Nagtuloy ako sa paglalakad ko nang muli siyang magsalita.

"Tungkol 'to kila Mom at Dad." Napalingon ako sa kanya na seryosong nakatingin sakin.

"Sana, mauna ka na pala muna. May pag-uusapan lang kami ni Nayeon." Wala nang nagawa si Sana dahil tuluyan na akong sumunod kay Nayeon sa paglabas ng classroom.

Sa kakasunod ko kay Nayeon, nakarating kami sa likod ng school kung saan walang ibang estudyante ang makakarinig sa usapan naming dalawa.

"Bilisan mo. Ano bang sasabihin mo? Nagmamadali ako."

"Dahyun, Anong ginagawa mo dito?" Seryosong pagkakatanong niya sakin.

"Hindi mo na kailangang malaman 'yon."

"Kailangan kong malaman. Anong ginagawa mo sa school na 'to?"

"Ang kulit mo. Sinabi nang hindi mo nga kailangan malaman."

"Aish. Kapag hindi mo sinabi, mapipilitan akong alamin kung bakit ka nandito."

"Eh di alamin mo."

"Bakit nagpapanggap ka bilang babae?"

"Wala ka na doon."

"Dahyun."

"Pwede ba? Huwag mo ngang banggitin ang pangalan ko. Mamaya niyan may ibang makarinig sayo eh."

"Ayaw mong may ibang makaalam ng tunay na pangalan mo. Ibig sabihin, may sikreto kang pinagkakaabalahan dito."

"Eh ano naman sayo?"

"Duh. Estudyante ako sa school na 'to. Pwedeng-pwede kitang isumbong sa namamahala sa school."

"Subukan mong gawin 'yan. Ilalabas ko din ang sikreto niyo ng babe mo."

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon