38 : Sa Isang Kondisyon

253 24 11
                                    

[Sana's Pov]

Nagtatakbo ako sa cr nang mapagtanto ko na nasa harapan na pala namin sina Jeongyeon at Nayeon.

Parang gusto kong magpalamon sa lupa. Jusko. Nakakahiya! Anong gagawin ko? Baka isipin nila na may ginagawa kaming masama ni Dahyun dito sa loob ng kwarto.

Sa totoo, hindi ko rin alam kung ano bang pumasok sa isip ko't nagawa ko 'yon kanina. Basta alam ko na ayokong magpatalo sa kaharutan ni Dahyun.

Pakiramdam ko kasi tuwang-tuwa siya sa mga nagiging reaksyon ko sa pang-aasar niya. Pakiramdam siguro niya na ang lakas ng dating niya sakin. Well, malakas naman talaga ang dating niya pero hindi sakin.

Aish. Basta gusto ko lang talaga iparating sa kanya na kaya ko siyang tapatan sa pang-aasar niya. Minatozaki Sana, ano ba naman kasing pinaggagawa mo?

Ayoko na. Dito na lang ako sa loob ng cr habang-buhay. Bahala na si Dahyun na mag-explain sa kanila.

Habang nagtatago ako sa cr, narinig kong nakikipag-usap si Dahyun sa kanila. Ano ba kasing ginagawa ng dalawang 'yon dito? Bakit hindi marunong magsikatok sa pinto ang mga tao dito?

Mukhang nagbabardagulan na naman sina Nayeon at Dahyun. Tama. Dito na lang ako hanggang sa umalis sila. Tapos idadahilan ko na doppelganger ko lang siguro yung nakita nila kanina.

"Chill, Nayeon. Kapatid mo 'yan. Huwag mong sigawan." Nang marinig ko ang sinabi ni Jeongyeon, dali-dali akong lumabas ng cr.

"Kapatid?!"

"Hindi ko siya kapatid." Agad na pagtanggi ni Dahyun.

"Step sister niya ako." Extra naman ni Nayeon. Wait. Step sister? So, 'yun pala yung koneksyon nila sa isa't-isa. Kaya naman pala parang matagal na silang magkakilala kung maka-asta sila sa isa't-isa.

"Bahala nga kayo diyan. Mag-aayos na ako para sa pagpasok." Dali-daling pumasok si Dahyun sa cr dala ang twalya niya.

Naiwan akong kaharap sina Nayeon at Jeongyeon. Wait. Parang maling desisyon ata na lumabas pa ako ng cr.

"Sana." Inisarado ni Nayeon ang pinto para walang ibang makakita samin nang ganito ang sitwasyon.

"Ah. Ano 'yon, Nayeon?"

"Anong ibig sabihin ng nakita namin kanina?"

"Yun ba? Wala 'yon."

"Wala? Eh kitang-kita namin na ---"

"Nagkakamali kayo ng iniisip." Mabilis na sabi ko sa kanilang dalawa na tila hindi naniniwala sakin.

"Akala namin patay na patay si Dahyun sayo tapos ni-reject mo?" Tanong naman ni Jeongyeon.

"Dahyun? So, alam mo rin ang tunay na pagkatao ni Dahyun?" Tanong ko kay Jeongyeon.

"Parang ganun na nga."

"Wait lang. Paano niyo nalaman ang tunay na pagkatao niya? Eh naka-disguise nga siya." Naguguluhan ako sa dalawang 'to eh. Gets ko na alam ni Nayeon na lalaki talaga si Dahyun kasi nga step sister siya ni Dahyun.

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon