[Jihyo's POV]
Sa vacation house, taimtim akong naghihintay sa pagbabalik ni Browny at Dokyeom. Matapos kasing makawala ni Browny kaninang umaga dahilan para magkrus ang landas namin nila Sana, iniuwi ko muli si Browny sa vacation house.
Naisipan naman ni Dokyeom na igala siya dahil baka raw nabobored sa bahay kaya wala na akong nagawa kundi payagan sila.
1 month ago kami nagkakilala ni Dokyeom malapit sa lugar na 'to. He became my boyfriend dahil naging close na kami sa matagal-tagal naming samahan sa lugar na 'to. Kung 'di dahil sa tulong niya noon, wala na siguro ako ngayon.
"Browny? Browny! Chuuu!" Narinig ko ang pagdating ng isang mah pamilyar na boses.
"Wala si Browny dito, iginala ni Dokyeom." Paliwanag ko sa kanya.
"Hayst, boyfriend mong si Dokyeom ha. Ini-spoil masyado si Browny. Anyways, kumain ka na ba Ms.Park? Bumili ako ng pagkain sa labas. Don't worry, wala namang nakakilala sakin. Let's eat?"
Napatingin na lamang ako sa kanya. Hindi ko maiwasang maalala ang lahat habang pinagmamasdan siyang mag-asikaso ng pagkain.
Naalala ko tuloy ang mga bagay na naranasan ko noon.
"Makakalabas ka na." Utos sakin ni Mr. Hirai matapos kong i-report sa kanya ang ilang mahahalagang bagay sa buong paaralan. Inabot na nga rin ako ng dilim sa sobrang dami ng reports ko.
Sa paglabas ko ng pinto, biglang may tumawag sa phone niya. Lalakad na sana ako paalis sa labas ngunit narinig ko ang pangalan ni Momo.
"Yes, Momo. Anong kailangan mo, My daughter?" Sigurado akong tungkol na naman kay Dahyun ang dahilan ng pagtawag niya sa Dad niya.
Naalala ko na noong halos kakasimula pa lang ng school year, madalas nang mabanggit ni Momo sa Dad niya ang pangalan ni Dayana Kim sa tuwing pasimple siyang tatambay sa office ng Dad niya.
Noong una, medyo ayos pa ang pagkilos niya sa tuwing ikinukwento niya si Dayana Kim. Kung minsan na wala ang Dad niya sa office, sa akin siya nagkukwento.
Buong akala ko, bestfriend ang turing niya kay Dahyun. Well, yun din ata ang akala niya noong una. Palagi niyang sinasabi na ngayon lang siya nagkaroon ng kaibigan na nagpaparamdam sa kanya na importante din siya.
Noon, madalas puro rant about Minatozaki Sana at Myoui Mina ang kwento niya. Tama, naging magkakaibigan sila noon pa man na naging classmate na rin sila pero hindi nagawang maramdaman ni Momo na parte siya ng pagkakaibigan nila dahil tila iba ang pananaw niya sa buhay kung kaya'y lumayo ang loob niya sa mga ito.
Noong bago pa lamang ako sa trabaho kong ito, takang-taka ako kung bakit ayaw ni Momo na malaman ng lahat na anak siya ng isang mayamang tao.
Hanggang sa napagtanto kong she's trying to be someone else, she's trying to fit in to the point na parang nawawala na yung tunay na katauhan niya mula sa sarili niya.
Then isang araw, tuwang-tuwa siyang pumasok sa office ng Dad niya habang nasa loob pa ako. Excited niyang ikinwento na may nalaman siyang good news, nalaman at narinig niya daw na lalaki pala si Dayana Kim at nagpapanggap lamang ito.
Tinanong ko siya kung paano niya nalaman, proud pa niyang sinagot na palagi daw kasi siyang tumatambay sa labas ng room ni Dayana Kim at Minatozaki Sana.
Nang malaman ng Dad niya ang balita mula kay Momo, balak sana nitong patalsikin mula sa school si Dayana Kim ngunit nagpumilit si Momo. Nakiusap siya sa Dad niya na huwag ibulgar ang tunay na katauhan ni Kim Dahyun sa pagpapanggap bilang Dayana Kim.
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022
![Yours [SaiDa Fanfic]](https://img.wattpad.com/cover/243409578-64-k26511.jpg)