22 : Gotcha

284 25 6
                                    

[Sana's Pov]

Nang makapasok na kami ni Dayana sa loob ng kwarto namin, pinaupo ko agad siya sa upuan bago tuluyang kumuha ng first-aid kit.

"Sana, nagamot ko na nga 'to." Ulit niya sakin.

"Gagamutin ko ulit."

Akma ko na sanang lalagyan ng gamot ang sugat niya kaso pinigilan niya ako sa pamamagitan ng pagkapit sa braso ko.

"Ang weird mo ngayon."

"Bakit naman?" Agad na tanong ko habang nakatingin siya sakin na para bang iniisip kung anong tumatakbo sa isip ko.

"Hmmm. Wala naman. Okay na nga 'tong sugat ko. Malayo 'to sa bituka. Sanay na ako sa ganito."

"Wait. Sanay ka nang masapak?"

"Huh?"

"Sabi mo, sanay ka na sa ganyan. Ibig bang sabihin lagi kang nasasapak para masanay ka nang ganyan? Hala. Sinasaktan ka ba ng boyfriend mo, Dayana?" Napatingin siya nang masama sakin.

"What the hell? Boyfriend? Wala akong boyfriend. Gagi!"

"Ex-boyfriend?" Dagdag na tanong ko.

"Kingina! Ako? Magkaka-boyfriend? Katapusan na siguro ng mundo kung magkakaboyfriend ako." Depensa niya sa sarili niya.

"No boyfriend since birth?" Tanong ko ulit habang abala sa paglalagay ng gamot sa sugat niya.

"Sana, tama na ngang kakatanong about sa boyfriend thingy. Kinikilabutan ako sa sinasabi mo. Mamamatay muna ako bago ko magka-boyfriend."

"Grabe ka naman maka-ganyan. Ang hard mo naman sa sarili mo, Dayana. Sigurado naman ako na merong nakalaan na lalaki para sayo."

Bigla siyang naubo sa sinabi ko.

"Aish. Ang kulit mo naman, Sana. Wala akong boyfriend at hindi ako magkaka-boyfriend."

"Ah. Sige. Sabi mo eh. Parang mas weird ka kamo sakin ngayon. Parang galit na galit ka na agad, nabanggit lang ang boyfriend eh. Siguro bitter ka sa ex-boyfriend mo noh?"

"The fvck? Sana, isa pang sabi mo diyan tungkol sa boyfriend."

"Eh bakit ka nga masasanay sa sapak? Pwede mo naman akong pagkatiwalaan kung sinasaktan ka ng boyfrie ---" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang bigla niya akong hawakan sa magkabilang pisnge ko.

Sa mabilis na segundong 'yon, nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.

Para akong naestatwa sa pwesto ko.

Nang bumitaw siya sakin, nagtagpo ang mata naming dalawa. Bakas sa mukha namin ang pagkagulat sa nangyari.

"Da---Dayana." Hindi ako agad makapagsalita dahil sa ginawa niya.

"Ah. Ako nang bahala dito sa sugat ko." Mabilis na sabi niya sabay bitbit sa first-aid kit ko bago magmadali sa paglabas ng kwarto.

Nang maiwan ako sa loob, para akong nahipan ng malakas na hangin dahilan para matauhan ako.

Napahawak ako sa labi ko. Teka. Totoo ba yung nangyari? Hinalikan ba talaga ako ni Dayana? Ah. Eh. Teka nga lang. Bakit niya ako biglang hinalikan?

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon