82 : She Knows

157 19 10
                                    

[Sana's Pov]

"Are you ready, Sana?" Tanong sakin ni Mina nang dumating siya sa meeting place namin sakay ng kotse niya.

"Hmmm. Yes. Ikaw ba?"

"Aba. Syempre naman. Let's go?" Tumango na lang ako sa kanya kaya tinulungan niya na akong ipasok sa kotse ang dala kong bag.

Dali-dali na kaming tumuloy sa pagbyahe. Tahimik lang siyang nagmamaneho kaya naman minabuti kong mag-isip ng topic.

"Kumusta kayo ni Chaeyoung?"

"Okay naman kami, Sana. Masaya pa rin sa isa't-isa. Bakit mo natanong?"

"Ganon ba? Buti naman. Ah. Eh. Wala naman. Curious lang ako."

"Kayo ni Heechul? Kumusta kayo?" Napatingin ako sa kanya.

"Ok lang."

"Ok lang? Yun na 'yon? Aish. Parang hindi bestfriend ha. Kwento ka naman diyan. Madalas ba kayong magdate? Anong mga bagay ang napagkukwentuhan niyo? Kumusta siya as your boyfriend?" Chismosa din 'tong si Mina eh. Ang daming tanong.

"Ok lang talaga kami."

"Daya. Hindi nagsheshare. Hhhmmp!" Nagtampu-tampuhan siya habang nagmamaneho.

"Okay, okay. Madalas hinahatid niya ako sa school."

"Yun lang? Boyfriend mo ba talaga 'yon or personal driver?"

"Lowkey lang kami eh."

"Lowkey ka diyan."

"Sabi nila, mas nagtatagal daw yung lowkey relationship." Palusot kong dahilan.

"Mas nagtatagal? Hindi totoo, beh. Kami ni Chaeyoung ang patunay."

"Eh di kayo na. Sanaol na lang."

"Sanaol? May Heechul ka. Diba? Alam mo..." Sandaling napatingin si Mina sakin bago magfocus ulit sa pagmamaneho.

"Ano 'yun?"

"May something fishy sa relationship niyo ni Heechul." Kung alam mo lang, Mina. Gusto ko man i-share sa kanya ang katotohanan. I think, mas makabubuti na huwag na lang. Para na rin 'to sa kaligtasan niya. Ayokong pati siya madamay sa masasamang plano ni Momo.

"Grabe ka naman samin. Private yung date namin palagi eh."

"Oo na. Sige na, Sana. Basta kapag kailangan mo ng tulong or may ginawa yung lalaking 'yon, sabihin mo sakin. Malalagot sakin 'yon."

"Salamat, Mina."

"Matanong lang kita. Eto ha, pwedeng hindi mo sagutin. Curious lang ako."

"Hmmm?" Napatingin akong muli kay Mina dahil curious din ako sa itatanong niya.

"Totoo bang never mong minahal si Dahyun? Like, lahat ng pinagsamahan niyo ay hindi totoo? Feel ko kasi, ang weird talaga. Na-witness ko yung bond niyo eh. Totoong-totoo yung ngiti at saya mo noong kasama mo siya. So, bakit ganon?"

"Teka. Saan ba tayong beach pupunta? Tayo lang bang dalawa?"

"Hmm. Okay. Gets!"

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon