63 : Best Sister

246 19 33
                                    

[Dahyun's Pov]

Agad kong hinabol si Sana. Halos madapa pa ako para lang maabutan siya. Ang bilis naman nitong tumakbo.

"Sana, Wait!"

May mga estudyanteng napapatingin samin. Meron namang nagbubulungan. Malamang nagtataka sila kung bakit naghahabol ang isang Kim Dahyun sa isang babae.

"Hey, Sana!"

Patuloy lang siya sa pagtakbo hanggang sa tuluyan na siyang madapa.

"Sana!" Dali-dali akong lumapit sa kanya para alamin kung ayos lang ba siya.

Habang pinipilit kong alalayan si Sana upang makatayo, rinig namin ang usapan ng ilang estudyante na nasa malapit lamang.

"Beh, bakit hinahabol ni Kim Dahyun si Sana?"

"Hindi mo pa ba nababalitaan? Si Kim Dahyun at Kim Dayana ng school na 'to ay iisa, Beh."

"Hala. Totoo ba?!"

"Oo, Beh. Nakapaskil don sa bulletin board."

"Lah. Kaya naman pala grabe kung makareact si Dayana noon."

"Eh di totoo pala yung sinasabi ni Dayana noon na walang alam si Kim Dahyun sa event?"

"Hindi ko rin alam, Beh. Basta ang ipinagtataka ko, bakit nagdisguise bilang babae si Kim Dahyun sa school natin."

"Hala. Jowa ba niya si Sana?"

"Jowa ka diyan. Tingnan mo nga, naghahabulan. Baka obsessed yang si Dahyun kay Sana kaya nagdisguise sa school na 'to."

"Mga sis, malay niyo naman na ako ang pakay niya dito."

"Lah. Ang landi mo, Sis. Hindi kita papahiramin ng polbo mamaya!"

"Hindi naman kita papahiramin ng liptint, Beh!"

"Ay! Beh, diba roommates sina Sana at Dayana. Hala. Ano kayang ginagawa nila ss kwarto nila kapag sila na lang dalawa?"

"Shet. Oo nga, Beh. Baka may kung ano nang nagaganap sa kanila. Akala ko pa naman matino si Sana. Nakikipagharutan naman pala sa lalaki sa kwarto nila."

"Malay natin, pinagdisguise talaga ni Sana si Kim Dahyun para makapagchukchakan sila sa kwarto nila dito. Grabe!"

Hindi ko na kinaya ang mga naririnig kong paninira nila, lalo na ang mga binitawan nilang salita tungkol kay Sana.

"Hoy! Tigilan niyo nga ang kakagawa ng fake news. Kung makasalita kayo, parang kilalang-kilala niyo kami!"

"Lah. Ang sungit naman pala ng Dahyun na 'yan. Sayang. Gwapo pa naman!"

"Kung wala kayong masasabing matino, manahimik kayo. Okay? Wala kayong alam sa tunay na nangyari."

"Sinasabi lang namin ang mga posibilidad. Bakit ba kasi magkasama ang isang lalaki at babae sa isang kwarto na dapat ay para lamang sa mga babae? Nakapagtataka lang."

"Shut up, Liptint Girls! Walang alam si Sana dito. Wala siyang kasalanan sa mga balitang kumakalat ngayon. Inosente si Sana kaya tigil-tigilan niyo ang paninira sa kanya." Inis na pagkakasagot ko dahilan para matahimik sila.

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon