[Dahyun's POV]
Matapos mag-movie marathon ang lahat, minabuti namin na magpahinga na. Nauna nang matulog sina Dad at Mommy M. Pumasok na rin si Nayeon sa kwarto niya dahil inaantok na daw talaga siya.
"Mauna na kami, Guys. Ihahatid ko pa si Mina." Sabi ni Chaeyoung.
"Sama na ako sa inyo." Pagmamadali ni Jeongyeon.
"Ikaw, Tzuyu? Hindi ka pa sasabay?" Tanong naman ni Mina.
"Ah. Eh. Mauna na kayo. Magpapasundo na lang ako sa family driver namin. Kakausapin ko muna si Dahyun sandali." Sagot ni Tzuyu.
"Hmmm. Sige. Alis na kami. Salamat sa time ngayong araw. Ingat kayo ha." Pagpapaalam nila Jeongyeon.
"Wait, Bro. Huwag ka na ulit mawawala ha. Kukutusan na kita diyan." Pabirong paalala ni Chaeyoung sakin.
"Hinding-hindi na, Bro." Napangiting sagot ko dahilan para mapa-thumbs up si Chaeyoung sakin. Na-miss ko rin ang bwisit na 'yon eh. Wala pa rin pinagbago, sakit pa rin sa ulo.
Nang makaalis sila Chaeyoung, napatingin ako kay Sana na nakatayo lang sa tabi namin ni Tzuyu.
"Tzuyu, ingat sa pag-uwi mo ha." Paalala ko kay Tzuyu.
"Don't worry, mapagkakatiwalaan ang family driver namin. I need to talk to you."
"Sure. No problem. How about you, Sana? Masyado nang gabi. Pwede kang magpalipas ng gabi sa isa sa guest room namin." Sambit ko.
"Hmmm. Okay, maiwan ko muna kayo ni Tzuyu para mas makapag-usap kayo nang maayos. Punta na ako sa guest room." Agad na pumasok sa loob si Sana kaya naman hinarap ko na si Tzuyu.
"How are you, Tzuyu?"
"Eto, hindi pa rin makapaniwala na nandito ka na ulit. I mean, malakas din naman ang kutob ko na posibleng buhay ka pa pero iba yung fighting spirit ni Sana. Hindi talaga siya nagpatalo sa sinabi ng iba na sumuko na siya sa pag-asang balang araw ay babalik ka."
"I'm sorry, Tzuyu."
"For what?"
"Sa lahat, sa pag-alis ko't pagkatakot na bumalik. Babawi ako sa inyong lahat."
"Ano ka ba naman? Wala 'yon. Naiintindihan naman namin na may reasons ka kaya nagawa mo 'yon. Ang importante, nandito ka na ulit."
"Kumusta ka naman noong mga panahong wala ako? Ni hindi ko man lang kayo nadamayan sa mga panahong 'yon."
"Naging okay naman ako kahit paano sa mga panahong 'yon. Kung minsan, naiisip ko na sana may nagawa man lang ako para iligtas ka noon."
"Tzuyu, sobra-sobra yung nagawa mo para sa akin noon. Hindi mo siguro nahahalata, pero sobrang nagpapasalamat ako dahil nandyan ka palagi para tumulong."
"Ngayon na nagbalik ka na. Hinihiling ko na sana tuloy-tuloy na ang kaayusan sa buhay mo. Palagi pa rin akong nandito para sayo bilang kaibigan mo."
"Salamat, Tzuyu. Nandito lang din ako para sayo. Kapag kailangan mo ng kausap, huwag kang mahihiyang magtext o magsabi sak---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang yakapin niya ako nang mahigpit.
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022