79 : Thank You

162 18 19
                                    

[Dahyun's Pov]

Nang umalis sina Tzuyu at Chaeyoung, kami-kami na lang nila Nayeon at Mom namin ang naiwan sa apartment.

"Sabihin niyo lang sakin kapag may gusto kayong kainin. Mas mabuti siguro kung doon na kayo lumipat sa kwarto ko. Mas malawak doon. Ako na sa guest room."

"Nako, Dahyun. Huwag na. Nakakahiya. Okay na kami sa guest room ni Mom." Agad na sabi ni Nayeon.

"Nakakahiya? Ako nga 'tong dapat mahiya. Kayo naman talaga ni Mom M ang may-ari ng bahay na 'to."

"Mom M?" Confused na tanong nila.

"Mommy Marites" Sagot ko sabay ngiti sa Mom ni Nayeon.

"Ay! Kabog. Gusto ko 'yan. Mommy M!"

"Dahyun, para sayo talaga 'tong bahay na 'to kaya walang dapat ikahiya. Huwag ka nang lumipat ng kwarto. Isa pa, hindi na rin naman kami magtatagal ni Nayeon dito."

"What do you mean, Mommy M?"

"Napag-usapan na namin ni Mom na lilipat na rin kami ng bahay. Alam naman namin na marami ka nang inaalala. Ayaw namin na pati kami alalahanin mo pa." Paliwanag ni Nayeon.

"Lah? Ano ba naman kayo? Walang problema sakin na magstay kayo dito. Sa katunayan, mas masaya nga kung marami tayo dito eh." Depensa ko sa kanila.

"Pero alam naman natin kung gaano katigas ang ulo ng Dad mo, Dahyun. Kapag nalaman niyang magkakasama tayo sa iisang lugar, hindi niya tayo titigilan. Ayaw namin na sayo niya ibunton ang galit niya samin ni Nayeon."

"Mommy M, walang kaso sakin 'yon. Sanay na akong mapagbuntonan ni Dad ng galit niya. Sa sobrang tagal, naging normal na nga lang para sakin. Mas mapapanatag ang loob ko kapag nagstay kayo dito kasama ko. Mas mapoprotektahan ko kayo laban sa kanya."

"Hindi mo kami kailangan protek---" Hindi na natapos ni Nayeon ang sinasabi niya dahil hinawakan ko siya sa kamay.

"Nayeon, pagod na pagod na akong magtago at magtimpi sa mga masasamang gawain ni Dad. Panahon na siguro para ipakita ko sa kanya na nagkakamali siya sa mga inaakusa niya sakin. Gagawin ko ang lahat para sa pamilya nating 'to. Okay? Trust me."

"Dahyun, I'm really sorry." Biglang sabi ni Mommy M.

"For what?"

"All this time, hindi ko nagawang ipagtanggol ka sa Dad mo every time na inisisisi niya sayo ang lahat ng masasamang nangyayari sa buhay niya."

"Hindi mo 'yon kasalanan, Mommy M. To be honest, ginawa mo naman lahat ng makakaya mo. Sadyang ako lang 'tong nagmamatigas na hindi ka tanggapin bilang pangalawang nanay ko. Hinusgahan kasi kita kaagad. Kahit anong lapit mo sakin noon, ipinagtatabuyan kita. Isa pa, may kasalanan naman talaga ako kay Dad. Kung hindi lang sana ako naging selfish noon, buhay pa sana ang Mom ko. I'm sorry, Mommy M."

"Wala kang kasalanan, Dahyun. Aksidente 'yon, Okay? Kahit sino naman, hindi gugustuhin na mapahamak ang nanay nila. Naiintindihan naman kita noon kaya hindi ko magawang magalit sayo. Hindi pa huli ang lahat. Pwede pa tayong magsimula ulit bilang isang pamilya. Kahit hindi ngayon, maghihintay ako hanggang sa tuluyan mo kong matanggap sa buhay mo bilang pangalawang nanay mo."

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon