[Dahyun's Pov]
"Okay, Class. That's all for today." Pagpapaalam samin ni Ms. Park. Yun na 'yon? Botohan lang ng Class Officers? Wala nang ibang ganap para sa araw na 'to?
"Goodbye, Ms. Park." Rinig kong sabi ni Nayeon bago tuluyang lumabas ng classroom si Ms. Park. Bida-bida talaga 'tong hayop na 'to kahit dito.
Nagtaka ako kung bakit isa-isa na silang tumatayo sa mga pwesto nila na para bang may pupuntahan. Bakit kasi hindi sinabi sakin ni Chaeyoung na nagkaroon pala ng orientation? Mukha tuloy akong ewan dito. Ako lang ata hindi nakakaalam sa mga dapat na gawin para sa araw na 'to.
"Psst!" Pagtawag ko kay Sweety Pie.
"Hmmm? 150?" Napakunot-noo ako sa kanya dahilan para mapa-giggle siya.
"Momo." Tinalikuran ko na lang siya upang si Momo na lang ang tanungin. Hayop na Sweety Pie 'to. Nakakaasar na nga, Ang cute pa rin.
"Ano yung itatanong mo sakin? Biro lang eh." Rinig kong tanong ni Sweety Pie sakin dahilan para muli akong mapalingon sa kanya na nakangiti sakin. Teka nga. Sweety Pie? Sabing hindi na siya Sweety Pie eh!
"Saang mundo ka nanggaling?" Poker-face na pagkakatanong ko sa kanya. Hindi ko makakalimutan ang pagtraydor niya sakin sa pamamagitan ng mas pagkampi kay Nayeon.
"Sa mundo mo. Yiiieeeh!" Sagot niya sabay hampas nang slight sa braso ko habang tumatawa-tawa.
"Sanaol natatawa sa sariling joke. Okay. Pwede ka nang umalis sa harapan ko." Muli ko nang ibinaling ang atensyon ko kay Momo.
"Sana, Let's go. Icheck na natin kung tayo ang magroommate." Yakag ni Mina sa kanya.
"Guys, Susunod na lang ako." Sambit ni Momo sa kanila.
"Ang sungit mo naman sakin bigla. Sige na nga. Babye na." Rinig kong pagkakasabi ni Sana sakin bago tuluyang umalis kasama ni Mina at ng iba pang classmates namin.
"Ano nga ulit itatanong mo, Dahyun?" Panimula sakin ni Momo.
"Ano-ano bang ganap ngayong araw? Saan pupunta yung mga 'yon? Hindi talaga magsisimula ang klase ngayong araw?"
"Sa katunayan, puro orientation lang kada subjects at ibang bagay ngayong first week natin dito. Isa pa, ichecheck na natin kung sino ang magiging roommate natin."
"Ganun ba? Paano ko malalaman kung saang room ako?" Napapakamot-ulo na tanong ko.
"Kada room sa IT Department building, may name na nakapaskil sa pinto. Kung isa ang pangalan mo sa nakapaskil sa pinto ng room na 'yon, ibig sabihin ay doon ka."
"At yung isa pang pangalan, para sa ka-roommate ko?"
"Ganun na nga. Ano pang hinihintay mo? Tara na. Ituro ko sayo kung saan ang IT Department building para mahanap mo na rin kung saang room ka." Yakag niya sabay hawak sa kamay ko.
Nadadalas ang paghawak nito sa kamay ko ha. Kapag nasanay ako, baka hindi ko na 'to bitawan. Charot.
Nang marating namin ang IT Department building, nagsimula na kaming maghanap.
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfic[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022