89 : Armado

125 6 18
                                    

[Sana's Pov]

"Sana, ano na naman ba 'to? Hindi ka ba talaga titigil? Hindi ka ba naaawa sa kapatid ko? Can't you see? Hirap na hirap na siya dahil sa kung anong pinagagagawa mo." Agad na lumapit sakin si Nayeon.

"I'm sorry." Naluluhang sabi ko. Kasalanan ko 'to. Kung naging matapang lang sana ako noon pa man, hindi na sana umabot sa ganito.

"Anong magagawa ng sorry mo? Instead na magsorry ka, layuan mo ang kapatid ko kung paulit-ulit mo lang siyang sasaktan!"

"Nayeon, tama na 'yan." Awat ni Mommy M kay Nayeon.

"Seryoso ko, Mom. May pinagsamahan rin naman tayo kahit paano, Sana. Nasaksihan ko kung gaano kasaya ang kapatid ko sayo noon. Hindi ko inaasahan na masasaksihan ko rin kung gaano siya masaktan nang dahil rin sayo!"

"Nayeon, let her explain first." Depensa ni Mina sabay tabi sakin.

"Isa ka pa, Mina. Totoo ba ang narinig namin kanina na may alam ka sa mga nangyayari? Bakit ini-tolerate mo ang bestfriend mo? Akala ko ba magkakaibigan tayo dito?!" Pagpapatuloy ni Nayeon.

"Kung hindi mo hahayaang magpaliwanag si Sana, talagang masisira nang tuluyan ang pagkakaibigan nating lahat." Sagot ni Mina.

"Mina, stop it. Don't try to defend me. Alam ko sa sarili kong ako ang may kasalanan dito. Naduwag kasi ako. Kung noon pa lang sinabi ko na ang lahat ng katotohanan, hindi na malalaman ni Dahyun sa iba."

"Ang unfair kasi, Sana. All this time, nag-struggle ka alone para lang masiguradong walang masasaktan. Tapos sa huli, ikaw pa ang masisisi. Kung ano ang nasa posisyon mo, sasama talaga ang loob ko nang sobra. Wake up, Sana. May karapatan kang makaramdam ng inis sa mga nangyayari." Naiinis na dagdag ni Mina.

"Guys, calm down. Hindi masosolusyon-an ng pagtatalo ang problema natin na 'to. Mag-usap tayong lahat nang maayos." Awat ni Tzuyu sa aming lahat.

"Ikaw, Tzuyu. Lagi ka naming kasama, diba? Bakit hindi mo man lang sinabi samin? May alam ka rin, pero hindi ka nagsalita. Totoo ba talaga na naging kaibigan ka namin? Totoo ba talagang gusto mo ang kapatid ko? Kasi kung gusto mo talaga siya, hindi mo siya pagsisinungaling-an."

"Enough, Nayeon." Dali-dali nang hinila palayo ni Mommy M si Nayeon ngunit ayaw nitong magpaawat.

"No, Mom. Hindi pwedeng hayaan ko na lang na saktan nila nang paulit-ulit si Dahyun. Can't you see? Sinungaling ang tatlong 'to." Inituro niya kami nila Mina at Tzuyu.

"Nagawa lang namin 'yon para sa kaligtasan ng lahat. Selfish man pakinggan na hindi namin sinabi sa inyo kaagad, ayaw lang naming magpanic kayo o mas malala ay masaktan dahil sa padalos-dalos." Depensa pa rin ni Mina samin.

"Magkakaibigan tayo, diba? Nagtutulungan ang magkakaibigan, Mina. Ang problema ng isa, problema ng lahat. Hindi ba kami kabilang sa pagkakaibigan na 'to? Halos pamilya na nga rin tayo eh. Pasensya na ha, pero nakakasama talaga ng loob!"

"I'm really sorry. I'll do my best to fix everything." Ulit ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil kahit ako mismo ay nahihiya sa pagiging duwag ko.

"Idinamay niyo pa talaga si Grandpa. Sana, alam mo kung gaano kahalaga si Grandpa kay Dahyun. Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang katotohanan tungkol sa health ni Grandpa? Ano ba talagang plano mo?!"

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon