[Dahyun's Pov]
"Yung totoo, Dahyun? Isinama mo ba talaga ako para samahan kang bisitahin ang pamilya mo o isinama mo ko para tulungan kang mamili ng groceries mo?" Tanong ni Sana sakin habang abala ako sa pagmamaneho.
"Kahit saan talaga, ang daldal mo."
"Nakakaloka naman kasi. Ang usapan, pupunta tayo sa bahay ng magulang mo. Kung saan-saan na tayo napadpad."
"Bakit? Nae-excite ka nang makilala sila?"
"Sagutin mo na lang ang tanong ko. Hindi yung magtatanong ka din. Nauna akong nagtanong eh."
"Yung totoo?"
"Oo naman. Malamang."
"Isinama kita kasi gusto kitang makasama." Kahit hindi ako lumingon sa kanya, ramdam kong napatingin siya sakin.
"Ano na namang kalokohan 'yan?"
"Ayaw mong maniwala?"
"Ayusin mo kasi ang sagot mo. Kala mo bagang lagi akong nakikipaglokohan, Dahyun."
"Nagsasabi naman ako ng totoo ha. Isinama kita kasi gusto kitang makasama."
"Asus. Balak mo ngang si Momo na lang ang isama eh. Sinong niloko mo? Kala mo ha."
"Naisip kong siya na lang ang isama kasi baka busy ka sa pagtulong sa lolo at lola mo sa restaurant niyo ngayong araw."
"Teka. Paano mo nalaman na may restaurant ang lolo at lola ko? Stalker ka ata eh. Ini-stalk mo ko noh. Grabe. Ang creepy!"
"Huwag ka ngang nagpi-feeling diyan. Noong araw na nagkasama tayo sa bar na pinagtatrabahuhan mo noon, napadaan ako sa harap ng restaurant ng lolo at lola mo."
"Paano mo nga nalaman na sa kanila 'yon? Paano mo nalaman na lolo at lola ko ang may-ari noon?"
"Namimigay ka ng flyers noong napadaan ako doon. May napulot akong flyers na pinabayaan lang ng ibang pinagbigyan mo. Dahil hindi mo pa naman alam ang sikreto ko noon, siyempre hindi kita nilapitan o kinausap."
"Paano mo nalaman na lolo at lola ko ang may-ari ng restaurant na 'yon?"
"Dahil sa curiosity ko, pumasok ako sa loob ng restaurant niyo. Sakto naman na pumasok ka din sa loob para i-approach ang lolo at lola mo. Yun na 'yon. Pagkatapos noon, umalis din agad ako dahil ayoko ngang magpabisto sayo."
"Ganon? Okay. Fine."
"Oh? Ano? Kumbinsido ka nang hindi ako stalker? Tsk. Kahit kailan talaga, ang sama ng tingin mo sakin."
"Ang weird kasi ng mga ikinikilos mo minsan."
"Seryoso, Sana. Hindi ba dapat na nakalaan sa kanila ang oras mo ngayong araw?"
"Hmmm. May plano talaga akong tulungan sila ngayong araw sa restaurant."
"Gusto mo ihatid na kita doon sa restaurant niyo para matulungan mo na sila?"
"Hindi. Ayos lang. Hindi naman tayo magtatagal sa inyo diba. Mamaya na lang ako pupunta doon. Isa pa, ang tigas din ng ulo nila lolo at lola. Kahit anong pilit ko sa kanila na magpahinga na lang sa bahay, gusto pa rin nilang sila mismo ang maghandle ng restaurant." Kwento ni Sana habang patuloy kami sa pagbiyahe.
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022
![Yours [SaiDa Fanfic]](https://img.wattpad.com/cover/243409578-64-k26511.jpg)