17 : Broad Shoulders

318 20 0
                                        

[Dahyun's Pov]

Umaga na nang muli kong imulat ang mata ko. Napalingon ako sa higaan ni Sana. Wala na siya sa higaan niya. Mukhang maaga siyang umalis.

Dahil ako na lang ang naiwang mag-isa sa kwarto, malaya na akong makakapag-ayos ng sarili.

Dali-dali akong bumangon mula sa kama sabay hubad sa pang-itaas ko. Ngiting-ngiti ako dahil sa wakas makakalabas din ako mula sa lugar na 'to kahit panandalian lang.

Dahan-dahang nawala ang ngiti ko nang marinig at maramdaman ko ang pagyabag ng paa ng kung sino mula sa likuran ko.

Para akong na-estatwa sa kinatatayuan ko.

"Dayana." Parang napahinto ang paghinga ko nang marinig ang boses ni Sana. Gagi! Bakit nandito pa siya? Akala ko nauna na siyang umalis.

"AHHHHH!" Dahil sa kawalan ng ibang option para lang makalusot sa problemang 'to, napasigaw na lamang ako bago tuluyang magdive muli sa kama ko.

Hayop! Tamang-tama yung mukha ko sa unan dahil padapa akong bumagsak sa kama.

"Hoy, Dayana. Ayos ka lang ba?!" Gulat na tanong niya. Bago pa siya makalapit sakin, nagtaklubong agad ako ng kumot.

Shet! Hindi niya ako pwedeng makitang topless. Kapag nangyari 'yon, huli na ang pagpapanggap ko bilang babae.

"Sana, Bakit nandito ka pa?!" Kinakabahang tanong ko habang nakataklubong pa rin.

"Ah. Nagbabakasakali kasi ako na baka gusto mong magpasama na magpacheck-up ngayong araw."

"Kaya ko na mag-isa 'yon, Sana." Mabilis na sagot ko.

"Sigurado ka? Pakiramdam ko kasi na kailangan may itulong ako sayo since ako naman ang may kasalanan kung bakit magpapacheck-up ka."

"Ayos nga lang, Sana. Promise. Mauna ka nang umalis. Ngayon na." Pagmamadali kong utos sa kanya.

"Ayos ka lang ba talaga, Dayana? Para kang napaano kanina eh. Masyado ba kitang nagulat? Bakit sumigaw ka?"

"Ah. Eh. Trip ko lang."

"Nahihiya ka ba na makita kitang nakahubad? Wala akong nakita. Promise. Nakatalikod ka sakin eh. Isa pa, meron din naman ako niyan."

"Aish. Magsabi ka kasi kapag nandito ka pa." Asar na sabi ko habang hindi pa rin nagtatanggal ng taklubong na kumot.

"Hindi ko naman alam na dito ka pala mismo magbibihis sa harap ng kama natin. Nag-cr lang ako sandali kanina eh."

"Sa susunod, ipaalam mo sakin kung nandito ka pa."

"Sige na. Oo na. Ipapaalam ko na. Dayana, hindi ko alam na sobrang mahiyain mo pala pagdating sa katawan mo. Maganda naman ang katawan mo eh. Broad ang shoulder mo. Parang nagji-gym ka talaga. Maganda talaga ang likod mo. Sigurado akong maganda din ang harapan." Napasilip ako sa labas ng taklubong na kumot dahil sa sinabi niya.

"What the fvck, Sana? Ang creepy ng mga sinasabi mo. Sana ayos ka lang." Nakakunot-noo na sabi ko sa kanya dahilan para mapa-giggle siya bago magpeace sign sakin. Tingnan mo nga naman. Parang kagabi, ang init ng ulo niya sakin. Tapos ngayon, mukhang okay na okay na naman siya.

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon