[Dahyun's Pov]
Matapos kumain kasabay si Momo sa cafeteria ng school, nagdesisyon na kaming lumakad pabalik sa kwarto namin.
Habang naglalakad, hindi ko pa rin maiwasang mapaisip kung bakit bigla na lang nagsungit si Sana kanina.
"Dayana." Biglang tawag ni Momo sa tabi ko.
"Hmmm?"
"Kumusta naman kayo ni Sana?"
"Huh?"
"I mean, kumusta siya bilang roommate?"
"Ah. Ayos lang naman. Bakit mo natanong?"
"Wala lang. Na-curious lang ako kung nagkakasundo kayo o hindi."
"Minsan, magkasundo. Minsan, parang hindi." Agad na sagot ko habang patuloy sa paglakad kasabay niya.
"Kung gusto mo, pwede tayong magpalit ng kwarto."
"Huh? Bakit naman?"
"Baka kasi hindi ka komportable na maging roommate si Sana. Ayos lang sakin na maging roommate siya." Paliwanag niya sakin.
"Huwag kang mag-alala. Ayos lang ako na maging roommate si Sana. Sa katunayan, mas okay kami ngayon kaysa noong una na hindi talaga kami magkasundo."
"Ganun ba? Sigurado ka? Sa tingin ko, magiging ayos lang naman kay Mina na maging bagong roommate ka." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko.
"Wait. Si Mina ang roommate mo?"
"Ah. Oo. Bakit?" Gagi. Bakit ngayon niya lang sinabi?! Pagkakataon ko na 'to para magawa nang mas mabilis ang misyon ko kay Mina kung magiging roommate ko siya.
"Momo."
"Hmmm?"
"Maganda din naman yung idea mo na maging roommate kami ni Mina."
"Ibig sabihin, sumasang-ayon ka na sa suggestion ko? Makikipagpalit ka na ng kwarto?"
"Parang ganun na nga."
"Mabuti naman. Tara na. Sabihin na natin kay Sana na lilipat ka ng room para mailipat na rin natin ang mga gamit mo." Tumango na lang ako sa kanya. Hinigpitan ko ang kapit ko sa plastic bag na pinaglalagyan ng pagkaing di inubos ni Sana kanina sa cafeteria.
Nang marating na namin ang kwarto namin ni Sana, naabutan naming gising pa siya. Pinagbuksan niya kami ni Momo ng pinto.
"Ah. Sana, may sasabihin ako." Panimula ko.
"Ano 'yun?"
"Hindi sa ayaw kong makasama ka o ano pa man, kasi ganito 'yon ---"
"Ano nga 'yon?" Ulit na tanong niya. Lalo kong natitigilan sa poker face niya eh.
"Lilipat na ng kwarto si Dayana. Si Mina na ang magiging bagong roommate niya." Biglang sabi ni Momo kaya napatingin na lang ako sa magiging reaksyon ni Sana.
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022