62 : What the Fvck?

253 21 12
                                    

[Dahyun's Pov]

Naalipungatan ako nang biglang tumunog ang phone ko. Halos malaglag na ako sa kama sa kakamadali para kunin ito dahil umaasa akong si Sana ang tumatawag sakin. Sa sobrang atat ko, hindi ko na nacheck kung sino ang tumatawag.

ON THE PHONE:

"Hello, Sana. Sunduin na kita sa inyo. Sabay na tayong pumasok sa school."

"Sana ka diyan. Si Nayeon 'to. Ang maganda mong kapatid."

"The hell?" Nagulat ako nang malaman na si Nayeon pala ang tumawag. Mukhang kailangan ko na talagang magbago ng phone number.

"Nasaan ka? Papasok ka na sa school?"

"Bakit ko sasabihin sayo? Bakit ka ba napatawag? Aish. Nanggugulo ka na naman eh."

"Huwag ka muna pumasok sa sch ---" Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya dahil alam kong ayaw lang niya akong makita. Huwag muna pumasok? Lah. Paano ko masusuyo si Sana 'pag ganon?

"Bye."

END CALL

Himala. Walang text sakin si Sana kahit isa. Wala din bagong missed calls. Mukhang nagtatampo nga siya sakin sa hindi ko pagrereply o pagsagot sa tawag niya kahapon.

Aish. Bakit pa kasi pinakuha ni Lolo ang phone ko sa mga tauhan niya?! Dahil pinipilit na naman akong tawagan ni Nayeon, ini-off ko na muna ang phone ko.

Agad na akong nag-ayos ng sarili para sa muling pagpasok sa school. Sinilip ko si Chaeyoung sa kabilang kwarto, himbing na himbing pa rin siya sa pagtulog. Malamang napuyat 'to kakachat kay Mina.

Masaya ako na nagka-ayos na sina Chaeyoung at Mina. Pero bakit naman parang kami naman ni Sana ang binibigyan ng sakit sa ulo ngayon? Ang daya naman.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Bakit nga ba kailangan ko pang magdisguise sa pagpunta sa school na 'yon? Hmmm. Wala rin naman akong wig dito na pangbabae. Pupunta naman ako doon para kay Sana at para magsubmit ng form na titigil na ako sa pag-aaral doon.

Tama. Matapang ako. Haharapin ko ang katotohanan. Magandang paraan na rin siguro 'to para maipaalam ko sa lahat doon na wala akong alam sa event nila tungkol sakin. Kailangan nang managot ng kung sinong nantitrip sakin sa school na 'yon.

Kinakabahan ako pero kailangan kong harapin 'to. Wala na akong pakialam kung anong sabihin ng karamihan sa kanila tungkol sakin. Basta ang mahalaga, managot ang kung sinong epal sa school na 'yon.

Alam kong magugulat sila kapag pumunta ako doon nang ganito ang itsura. Maiintindihan ko kung kagagalitan na ako ng mga naging kaibigan ko doon. Ni hindi ko nga sure kung papapasukin ako ng security guard eh. Bawal kasing magpapasok doon nang basta-basta.

Nang dumating ako sa harap ng school sakay ng kotse ko, dali-dali na akong lumabas. May mga estudyanteng napapatingin sakin.

"Hala! Ang pogi niya, Beh."

"Parang pamilyar siya."

"May kamukha nga eh."

"Ano kayang ginagawa niya dito?"

"Lah. Ang gwapo!"

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon