53 : Unknown Number

338 20 8
                                    

[Dahyun's Pov]

"Mom, I'm really sorry."

"Wala kang kasalanan, Anak."

"Meron, Mom. Dahil sakin, nawala ka."

"Ayos lang ako, Anak. Sana patawarin mo na ang sarili mo." Niyakap ako ni Mom nang mahigpit. Ngumiti siya sakin kasabay ng paghaplos sa mukha ko.

"Proud ako sayo kahit na anong mangyari, Dahyun."

"Mom."

Naputol ang panaginip ko nang maalipungatan ako. Sa pagmulat ko ng mata ko, may ngiting nabuo sa labi ko. Si Sana yung unang nakita ko sa paggising ko.

Bago 'to sakin. Hindi ako binangungot. Hindi masama ang naging panaginip ko. Naging maganda ang panaginip ko kahit paano. Naramdaman ko ulit yung mahigpit na yakap ng Mom ko dahil sa panaginip na 'yon.

Pinagmasdan ko ang mukha ni Sana habang mahimbing pa rin ang pagkakatulog niya. Nakayakap siya sakin nang mahigpit.

"Kapag kasama talaga kita, nagiging maganda ang kinakalabasan ng mga bagay-bagay sa buhay ko." Iniwas ko ang buhok na humaharang sa mukha niya.

Hindi ko basta-basta maipaliwanag yung saya ko kapag kasama ko si Sana. Kapag nandiyan siya, hindi nawawala sa kontrol ang emosyon ko.

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakilala ng katulad niya. Sa lahat ng nakilala kong babae, sa kanya lang ako nakaramdam ng ganito.

Yung tipong may nakikita akong future sa kanya. Naiimagine ko na balang araw, papakasalan ko siya. Magkakaroon kami ng cute na mga anak. Palalakihin namin sila nang may pagmamahal. Magkakaroon kami ng maganda at maayos na buhay. At makakasama ko si Sana hanggang sa dulo ng buhay ko.

"Balang araw, pakakasalan kita." Nasabi ko na lamang habang pinagmamasdan ang magandang mukha niya.

"Pangako 'yan?" Nagulat ako nang bigla siyang magsalita. Dahan-dahan niyang inimulat ang mata niya.

"Gising ka na pala, Sana."

"Baka matunaw na ako sa titig mong 'yan."

"Hindi ko maiwasang tumingin sayo eh."

"Sakin ka lang ba talaga hindi nagsasawang tumingin? Baka naman sinasabi mo din 'yan sa mga naka-date mo noon."

"Hindi ko naman talaga maiiwasang tumingin sa iba kasi may mata ako. Pero maipapangako ko sayo na ikaw lang ang titingnan ko nang may halong pagmamahal."

"Bolero." Sagot niya sabay hampas nang slight sa braso ko.

"Nagsasabi ako ng totoo, Sana. Kapag tinitingnan kita, nakikita ko na yung future nating dalawa."

"Asus. Sige nga. Anong future ang nakikita mo sa ating dalawa?"

"Pakakasalan kita balang araw. Kahit kasal na tayo, araw-araw pa rin kitang liligawan."

"Talaga lang ha?" Kunwari pa siyang hindi kinikilig, obvious naman kasi namumula ang pisnge niya.

"Tapos magkakaroon tayo ng cute na mga anak. Ayos lang sakin kahit gaano karami ang gusto mo, basta ba maipaparamdam natin sa kanilang lahat na ginawa natin sila dahil sa pagmamahal."

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon