[Dahyun's Pov]
Kinagabihan sa kwarto namin ni Sana, matutulog na sana ako para maaga kaming makaalis bukas kaso ang ingay-ingay ni Sana mag-ayos ng gamit niya.
Ewan ko ba sa kanya kung bakit gabing-gabi na eh hindi pa rin siya mapirmis sa higaan niya.
"Hoy, Sana."
"Hmmm?"
"Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka."
"Bakit? Inaano ba kita?"
"Ang ingay-ingay ng pagkakalampag mo ng mga gamit diyan eh."
"May hinahanap lang akong damit."
"Damit? Hindi ba pwedeng ipagpabukas mo na 'yan?"
"Bukas ko nga gagamitin eh." Napalingon ako sa kanya na abala pa rin sa paghahalungkat.
"Bukas? Bakit? Saan ka pupunta? Diba may lakad tayo bukas."
"Ano ka ba naman? Alangan namang sumama ako sayo nang nakahubad. Manyak ka?"
"Manyak agad? Para namang wedding gown na ang pinaplano mong isuot bukas sa sobrang paghahalungkat mo diyan."
"Wedding gown? Excuse me, Dahyun. Feeling mo ba na naghahanda ako nang bongga para sayo bukas? Duh."
"Wala akong sinasabing ganon pero siguro 'yun talaga ang plano mo. Excited ka na sigurong sumama sakin bukas. Pinapaalala ko lang na hindi date 'yon ha."
"The hell, Dahyun? Asa ka na papangarapin kong maka-date ka. Hindi ba pwedeng gusto ko lang na maging presentableng humarap sa ibang tao?"
"Ganun? Sige. Sabi mo eh." Ewan ko ba dito kay Sana. Ang weird kung minsan. Pinapamukha sakin na ayaw na ayaw niyang sumama sakin bukas. Tapos noong inisipan ko ng paraan para hindi na siya magmaktol na napipilitan siya, bigla na siyang sasama.
"Matulog ka na lang diyan." Sambit niya kaya naman napa-iling na lang ako.
"Dapat pala hindi na ako naghanap ng kasama bukas eh." Mahinang sabi ko.
"Eh bakit ba kasi gusto mo ng kasama? Pamilya mo naman 'yung bibisitahin mo eh."
"Kalokohan 'yang sinasabi mo, Sana."
"Totoo naman eh. So, bakit ka mahihiya na puntahan sila?" Kung makapagsalita naman siya, parang ang dali-dali nang sitwasyon ko sa pamilyang 'yon.
"Tama nang satsat, Sana."
"Kasama mo naman si Nayeon doon. Ayaw mo non? Family bonding ka ---"
"Sana."
"Hmmm?"
"Kapag hindi ka pa tumigil diyan ---"
"Ano? Hahalikan mo na naman ako? Alam ko na 'yang galawan mo eh. Para-paraan kang hayp ka eh. Subukan mo, papasabugin ko yang bibig mo!" Sambit niya nang huminto ako sa pagsasalita.
"Sinasabi mo, Sana? Kapag hindi ka pa tumigil, yayayain kita ng date." Sandali siyang natigilan sa sinabi ko.
"Date ka diyan. Tadyakan kita diyan eh. Feeling mo naman na papayag akong maka-date ka."

BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfic[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022