[Sana's Pov]
"Dahyun." Pagtawag ko sa pangalan niya matapos naming kumain nang sabay sa kwarto.
"Hmmm?"
"May gusto lang sana akong itanong sayo."
"Tulad ng ano?"
"Ayos lang naman sakin kung ayaw mong sagutin."
"Sasagutin ko, Sana. Basta sasagutin mo din ako." Nakangising sambit niya kaya naman bahagya ko siyang hinampas sa braso.
"Gageu ka talaga."
"Pero seryoso, ano yung itatanong mo?"
"Ah. Eh. Bigla ko lang naisip na kung hindi ka nakatira sa puder ng magulang mo. Paano ka nabubuhay mag-isa? I mean, yung pinagkukunan ng panggastos sa araw-araw."
"Sa totoo, hindi na ako umasa sa Dad ko simula noong umalis ako ng mansion. Noong unang mga araw, aminado akong nagpagala-gala lang ako kung saan pwede kong makatulog. Halos maubos na noon ang dala kong pera."
"Tapos?"
"Hindi nagtagal, nalaman ng lolo ko na lumayas ako sa mansion kaya pinadalhan niya ako ng tulong. Ayoko sanang tanggapin ang tulong mula sa kahit na sino pero alam ko sa sarili kong kailangan ko talaga ng tulong kahit medyo mabigat sa kalooban ko."
"Wait. Lolo mo? Nasaan ba ang lolo mo?"
"Nasa malayong lugar."
"Hindi ako aware na buhay pa yung lolo mo."
"Well. Sorry. Nagulat lang talaga ako. Hindi mo siya naikukwento sakin eh."
"It's okay, Sana. Mahabang kwento kasi 'yon."
"Kahit gaano kahaba, makikinig ako sayo pero kung gusto mo lang naman i-share. Kung hindi, naiintindihan ko."
"Noong bata pa lang ako, sobrang saya ng pamilya ko. Kumpleto. Masaya. Sama-sama. Ako, si Mom, Dad, Lolo, at si Lola."
"Tapos?"
"Aminado akong lahat ng bagay na gustuhin ko, ibinibigay sakin ng pamilya ko kaso ---" Sandali siyang natigilan.
"Kaso ano?"
"Sana, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon mo sa susunod na sasabihin ko."
"Ano ka ba naman, Dahyun? Kahit ano pa 'yang ikwento mo, hindi kita basta-basta huhusgahan. Okay?"
"Sigurado ka ba?"
"Sigurado ako. Tell me. Ano yung kasunod ng sinasabi mo? Hindi magbabago ang tingin ko sayo. Pangako."
"Habang tumatagal, napapansin kong hindi na tulad ng dati yung bonding na meron kami katulad noong bata pa lang ako." Pagpapatuloy niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Mas naging focus na sila sa pagtatrabaho ng family business namin. Nawala na yung family bonding pero aware naman ako na mahal nila ako."
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022