19 : Club Bar

261 18 5
                                    

[Dahyun's Pov]

Ilang oras din ata kaming naglaro ng online games sa bahay ni Chaeyoung. Hindi namin namalayan na inabot na pala kami ng hapon kakalaro.

"Dahyun."

"Hmmm?"

"Ganda mo." Napakunot-noo ako sa kanya dahilan para mapatawa siya sakin.

"Ihampas ko kaya sayo 'tong phone ko."

"Kung naging babae ka talaga, jojowain kita." Dagdag niya dahilan para damputin ko ang throw pillow sa gilid para ihampas sa mukha niya.

"Gago! Ang weird mong hayop ka!"

"Ikaw na nga lang jowain ko." Ulit niya kaya naman tumayo ako sa kinauupuan ko para pumuwesto sa lap niya.

"Okay, Babe." Maharot na pagkakasabi ko sa kanya dahilan para itulak niya ako nang malakas kaya natumba ako sa sahig.

"Gago, Bro! Joke lang!" Ako naman ang natawa sa reaksyon niya. Huwag niya akong sinusubukan.

"Kayang-kaya kong sabayan yang trip mo, Chaeyoung. Ako na lang pala jowain mo ha. Bakit ayaw mo ngayon?"

"Baka naman ma-enjoy mo nang sobra yang pagdi-disguise mo bilang babae. Baka magulat na lang ako na lalaki na gusto mo."

"Sinasabi mo, Bro? Kung alam mo lang kung gaano ako kastress sa school na 'yon. Ilang beses na akong muntik mahuli ng roommate ko."

"Kumusta naman kayo ng roommate mong si Sana?"

"Wala."

"Anong wala? Pakiramdam ko, mas nakafocus ka sa kanya kaysa sa misyon mo kay Mina eh."

"Tsk. Bakit ako magpo-focus sa kanya? Maganda siya. Mukha namang mabait talaga. Pero malabong magustuhan ko siya, na-turn off na ako sa kanya simula noong iboto niya bilang President ng section namin si Nayeon. Basta hindi ko siya trip."

"Palagi ka na lang nate-turn off sa mga kumakampi kay Nayeon, Bro."

"Alam mo naman kung gaano kainis sa demonyita na 'yon."

"Bakit kasi hindi na lang kayo magbati ng stepsister mo?"

"Ayoko."

"So, kumusta naman ang pagsasama niyo sa isang school at iisang classroom?"

"Pabida pa rin siya hanggang ngayon. Pakiramdam pa rin niya na palaging siya ang tama. Palaging siya ang mas pinapanigan ng mga tao. Palaging siya ang pinipili."

"Oh, Bro. Chill ka lang diyan ha. Baka mamaya atakihin ka sa sobrang inis."

"Naiinis lang talaga ako sa idea na parang ako lagi yung masama sa aming dalawa ng demonyita na 'yon lalo na sa mata ni Dad."

"Dahyun, hindi ka man pinipili ng karamihan ---nandito naman ako. Palagi kitang pipiliin, Bro." Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi niya ngunit maya-maya, nawala ang ngiti ko.

"Eme-eme mo na naman 'yan, Chaeyoung. Mas pinili mo nga si Mina kaysa sakin. Tingnan mo, padisguise-disguise tuloy ako ngayon."

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon