[Mina's Pov]
Sobrang awkward nito. Wait. Paano ba 'to? Hindi ko in-expect na dito ko pa makakasama ulit si Chaeyoung sa mismong restaurant ng grandparents ni Sana.
Gusto ko na sanang umalis kaso mapilit ang lolo't lola ni Sana. Well, hindi ko naman kasi sila masisisi dahil hindi naman nila alam kung anong tunay na koneksyon ko kay Chaeyoung.
Medyo mainit ang ulo ko ngayon dahil sa hindi pagsasabi ni Sana sakin nang totoo. Siyempre mainit din ang ulo ko dahil sa mga pakulo ni Chaeyoung at Dahyun.
Imbes na harapin ako, nagplano pa talaga silang linlangin ako sa pamamagitan ng pagpapanggap ni Dahyun bilang Dayana.
Paano ko nahalata? Hindi kasi sila magaling um-acting. Ang obvious ng bawat kilos nila. Idagdag pa na pamilyar talaga ang itsura ni Dayana. Isa pa, halatang babaero pa rin kahit na nagpapanggap bilang Dayana. Kakaiba talaga eh.
Ang ipinagtataka ko lang, paano nila naging kasabwat si Sana sa planong 'yon? Kaya ako'y medyo nababadtrip sa bestfriend kong 'yon eh. Ako yung bestfriend, tapos pinaglilihiman ako ng bagay na tungkol mismo sakin.
Dahil ayokong magtampo ang grandparents ni Sana, pumayag na lang ako na makasabay kumain si Chaeyoung sa iisang table.
Ilang minuto din kaming natahimik pareho hanggang sa hindi ko na kayanin ang sobrang katahimikan sa pagitan namin. Akma na sana akong magsasalita nang bigla siyang mauna.
"Kumusta ka, Mina?"
"Ah. Eh. Ayos lang naman."
"Ako? Hindi mo ba ako kukumustahin?"
"Huh? Ah. Eh. Kumusta ka na?"
"Hindi ako ayos, Mina." Bigla akong napatingin sa kanya nang marinig ang sinabi niya.
"Ba---Bakit naman?"
"Kasi miss na kita."
"Miss? Tsk." Mahinang pagkakasabi ko.
"May sinasabi ka, Mina?"
"Huh? Wala."
"Seryoso ko, Mina."
"Ganon? Well, sana naging seryoso ka din noong tayo pa."
"Seryoso naman ako sayo noon pa man."
"Ah. Talaga ba? Kaya kung ano-anong trip ang pinagkakaabalahan niyo ng bestfriend mo?"
"Mina, let me explain. Misunderstanding ang lahat. Wala akong ginawang kalokohan. Hindi rin kita pinagtaksilan. Si Dahyun mismo ang magpapatunay sayo niyan."
"Ah. Talaga ba? Eh si Dahyun din mismo ang tumawag sakin noon para ikwento ang mga kalokohan niyo."
"Lasing kasi si Dahyun noon, Mina. Alam naman natin na pasaway talaga 'yon. Nagbibiro lang siya. Hindi niya in-expect na seseryosohin mo."
"Malamang seseryosohin ko kasi mahal kita. Kailan pa naging biro ang pagmamahal?"
"Kasi mahal mo ko?"
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022