[Dahyun's Pov]
Matapos kainin ang pagkain na dinala ni Sana, minabuti kong magmuni-muni muna sa hallway. Nakakaboring din sa loob ng kwarto eh. Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin.
Sa kakalakad ko, nakarating na ako sa ground floor ng building ng dorm namin.
May nadaanan akong salamin kung saan nakita ko ang repleksyon ko.
"Malungkot na Dayana." Nasabi ko na lamang nang maalala ang sinabi ni Sana sakin kanina. Imposibleng maging malungkot si Dayana. Hindi siya totoong tao. Pagpapanggap lang siya. Kalokohan ang mga sinabi ni Sana.
Napailing na lamang ako bago tuluyang maglakad-lakad. Maya-maya, nakita kong papalapit si Sana sa direksyon ko kaya naman agad akong nagtago sa isang sulok. Kasama niya si Mina.
"Sabi ko naman sayo, huwag mo nang ilaan kay Dayana yung natitirang allowance mo diyan para sa week na 'to." Rinig kong sabi ni Mina kay Sana na agad namang huminto sa paglalakad para harapin siya.
"Mina, sinabi ko naman sayo na kaya ko namang magtiyaga sa cup noodles na nasa kwarto. Isa pa, gusto ko talagang makatulong kay Dayana." Rinig ko namang sabi ni Sana.
"Eh diba kwento mo sakin na sinusungit-sungitan ka niya. Hindi ko maintindihan kung bakit pinipilit mo pang makipagkaibigan sa kanya." Dagdag ni Mina. Kingina ng ex-girlfriend ni Chaeyoung. Basher ko ata.
"Mina, hindi naman ibig sabihin na sinusungitan niya ako eh magiging rude o masama na ako sa kanya."
"Sinabi ko bang rude ka kung hindi mo siya tutulungan? Ang sakin lang kasi, baka i-take advantage niya yung kindness na ipinapakita mo." Potek. Gusto ko tuloy tadyakan 'tong ex ni Chaeyoung.
"Hindi pa naman natin siya ganoong kakilala. Huwag naman natin siyang i-judge. Sa tingin ko, mabait naman siya eh. Masungit nga lang." Eto talagang Sweety Pie ko este si Sana.
"Whatever, Sana. Tanggapin mo na kasi 'tong extra allowance ko para may panggastos ka. Wala naman akong issue kay Dayana. Basta sinabihan na kita."
"Huwag na, Mina. Ayos lang talaga ako. Tara na nga. Baka ma-late na tayo sa last class natin." Nang makalayo sila, lumabas na ako sa pinagtataguan ko.
Huling allowance ni Sana sa week na 'to ang ipinambili niya ng pagkain ko kanina? Magka-cup noodles na lang siya?
Eh ano? Hindi ko na kasalanan 'yon. Hindi ko naman sinabing ibili niya ako eh. Mga ganyang galawan eh. Parang gustong iparamdam sakin na kasalanan ko.
"No, Dahyun. Wala kang dapat ikakonsensya o ikabahala." Sinabi ko na lang sa sarili ko bago tuluyang maglakad-lakad muli.
Lumipas ang isang oras ng paglilibot, minabuti ko nang bumalik sa kwarto. Nagulat ako nang makitang nasa loob na si Sana.
"Saan ka nagpunta?" Bungad niya sakin. Wow. Parang naghihintay sa jowa kung makatanong ha.
"Wala ka na doon." Seryosong sagot ko bago tuluyang humiga sa kama ko.
"Kumusta ka?"
"Wala ka na doon." Ulit ko.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?"
"Sino bang may sabi na masama ang pakiramdam ko?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya.
"Mukhang kanina pa kasing umaga masama ang pakiramdam mo."
"Wala ka na doon. Kala mo namang kilala mo talaga ako para mahulaan kung masama o maganda ang pakiramdam ko." Tumalikod ako ng higa sa kanya para hindi na siya pansinin kaso tuloy pa rin siya sa pagsasalita.
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fiksi Penggemar[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022