"Bro! Do something!" Hindi matigil na pag-ungot sakin ng bestfriend kong si Chaeyoung.
"Bakit ba ungot ka nang ungot sakin? Relasyon niyo 'yan ni Mina. Labas ako diyan, Bro." Paliwanag ko sa kanya.
Eto kasing bestfriend ko kanina pa nguyngoy nang nguyngoy sakin na nakipaghiwalay daw sa kanya ang girlfriend niyang si Mina sa hindi malamang dahilan.
"Bigla na lang kasi siyang nakipaghiwalay sakin sa text, Bro. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong ginagawang masama."
"Baka naman nireregla si Mina kaya mainit ang ulo sayo. Chaeyoung, Pwede ba? Huwag mo muna akong kulitin. Ang sakit ng ulo ko dahil sa hang-over kagabi." Nagpa-party kasi yung isa naming kaibigan kagabi kaya nagkatuwaang magkainuman.
"Hindi pwedeng wala akong gawin, Dahyun. Alam mo kung gaano ko kamahal si Mina. Oo. Aminado akong maloko ko sa babae dati pero nagbago ako simula nang maging kami ni Mina. Tatawagan ko siya!"
"Fine. Gawin mo lang ang trip mo, Bro. Basta lubayan mo na ako dahil gusto ko munang magpahinga." Bumalik ako sa pagkakahiga ko sa kama nang lumabas sa kwarto ko si Chaeyoung.
Lovelife kasi nang lovelife 'tong si Chaeyoung. Kung tinutularan niya na lang ako na single. Pwedeng-pwede makipagharutan kahit kanina o kahit kailan ko maisipan. Easy!
Habang abala ako sa pagpapahinga, biglang may tumamang libro sa ulo ko.
"Aray!" Napainda ako sa sakit. Potek! Sino na naman bang bumulabog sa pagpapahinga ko? Ang dami namang istorbo. Sa pagbangon ko sa kama, namataan ko si Chaeyoung na mukhang masama ang tingin sakin.
"Kim Dahyun!"
"Bro! Bakit mo ko binato ng libro? Mapanakit ka ha!" Inis na sabi ko habang nakahawak sa ulo ko.
"Masasaktan ka talaga sakin dahil sa mga kalokohan mo, Kim Dahyun!" Teka. Ano bang sinasabi niya? Nananahimik ako dito. Bigla-bigla siyang mambabato ng libro tapos siya pa 'tong galit sakin.
"Ano bang pinagsasabi mo, Chaeyoung?!"
"Nakausap ko sa phone si Mina sa huling beses. Alam mo kung anong sinabi niya?"
"Bro, Hindi ko alam. Ikaw yung kausap niya, hindi ako." Maya-maya, yung unan naman ang ibinato niya sakin.
"Sinabi niya na tumawag ka daw sa kanya kagabi. Nagkwento ka daw tungkol sa past relationships ko. Sinabi mo daw na wala akong sineseryoso. Ikaw na hinayupak ka!"
"Wait. Chill, Bro. Lasing na lasing ako kagabi. Bakit ko naman tatawagan si Mi ---" Sa kalagitnaan ng pagsasalita ko, may bigla akong naalala na scenario kagabi.
"Mina, Yung bestfriend ko na 'yon tunay na maharot. Mag-iingat ka. Iba ang takbo ng isip ng mokong na 'yon. HAHAHAHAHA."
"Oh? Bakit natigilan ka? Naalala mo na? Sira-ulo ka. Bakit kung ano-anong sinabi mo kay Mina? Kanda sabi ka pa kanina na labas ka sa hiwalayan namin na 'to!"
"Ah. Re---Relax, Chaeyoung. Gagawa tayo ng paraan. Pasensya na talaga, Bro. Joke lang naman 'yon eh. Aish. Lasing na lasing kasi ako kagabi. Huwag kang mag-alala. Magkakaayos din kayo ni Mina." Pagpapakalma ko sa kanya na halata namang asar na asar sakin. Ano ba 'tong gulo na napasok ko? Jusko!
"Halika dito. Babalian kita ng buto, Bro!"
"Sandali lang naman kasi. Kumalma ka nga, Chaeyoung. Kakausapin ko siya. Magpapaliwanag ako." Nang akma niya akong susugurin, agad akong tumalon mula sa kama bago pa niya ako mahagip.
"Paano mo kakausapin si Mina? Eh ayaw na nga sating makipag-usap. Isa pa, papasok na sa isang College for Women si Mina. Magdo-dorm siya doon."
"Ah. Eh di pagka-graduate na lang niya." Hindi sure na sagot ko dahilan para lalong mag-init ang ulo ni Chaeyoung sakin.
"Mabubugbog talaga kita, Bro. Umayos ka. Nanggiggil ako sayo. Gusto kitang tanggalan ng esophagus! Pumarine ka!" Nagtatakbo ko palabas ng kwarto dahil malilintikan talaga ako dito. Normal sa friendship namin ni Chaeyoung ang magbugbugan kaya hindi malabong mabugbog nga talaga ako.
"Sige! Subukan mong lumapit sakin, Bro. Tatadyakan kita sa mukha!" Umamba ako sa kanya ng suntok dahilan para mapa-pamewang siya.
"Ganon? Ako pa 'tong tatadyakan mo sa mukha matapos mo kaming paghiwalayin ni Mina."
"Marami pa naman diyang babae, Chaeyoung. Kung ayaw na ni Mina sayo, hanap ka ng iba. Kung atat ka nang magkajowa ulit, ako muna." Pabirong sagot ko kaya naman natigilan siya.
"Anong tingin 'yan, Bro? Bakit ganyan ka makatingin sakin?" Ano naman kayang naiisip niya ngayon? Nakatitig kasi siya sakin mula ulo hanggang paa.
"Hmmm."
"Anong hmmm? Bro! Nababakla ka ba sakin?" Tanong ko sa kanya na hindi pa rin humihinto sa kakatingin sakin.
"May naisip akong ideya, Dahyun."
"Ano na naman 'yon? Parang kinakabahan ako diyan sa binabalak mo ha."
"Kailangan nating maghanda para sa pagpasok mo sa school na papasukan ni Mina." Nagulat ako sa sinabi niya.
"Pagpasok sa school ni Mina? Gago ka ba, Bro? Mukha ba akong babae para sayo?! College for women 'yon!"
"Oo. Mukha kang babae para sakin, Bro." Sagot niya dahilan para may mamuong katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nalintikan na nga. Tama ba 'tong naiisip kong binabalak niya?
"Kung ano man 'yang pinaplano mo, hindi ako sang-ayon. Sira-ulo ka!" Inis na sabi ko sa kanya na bigla namang napangisi sakin.
"Bro, Wala kang choice. Ikaw ang nagsimula ng kalokohan mo. Siyempre ikaw din ang tatapos."
"Mas gugustuhin kong magbugbugan na lang tayo habangbuhay kaysa gawin 'yang naiisip mo, Chaeyoung. Halika. Simulan na nating magsuntukan!"
"Let's go. Pag-uusapan natin ang paghahanda sa pagpapaganda mo."
"Ayoko!" Sigaw ko habang nagpupumiglas nang hilahin niya ako pabalik sa kwarto ko.
Pagpapaganda? Naloko na. Nag-inom lang naman ako kagabi eh. Ako nga pala si Dahyun. Naniniwalang party is life. Parang kagabi, party-party pa ako. Bakit nagkaganito ngayon? Panaginip ba 'to? Kung panaginip 'to, gisingin niyo na ako. Please!
▪️▪️▪️▪️▪️
A|N : Sana magustuhan niyo 'to. Hehe. Ika - 7 years ko na sa wattpad sa darating na October 13, 2020. Ngayon ko lang ulit na-open itong account na 'to dahil nagka-problem sa pagsign-in ko. So I'm happy na nabawi ko 'yung account sa loob ng 20 days. Slow update 'to. Bakit? Kasi may online class ako. Fighting!
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022