[Dahyun's Pov]
"Time of death, 4:30AM." Para akong nanghina sa narinig ko na nagmula sa bibig ng doctor sa hospital na kinaroroonan ko.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi pa rin magsink-in sa utak ko lahat ng nangyayari. Pero mas nagulat ako sa biglang pagsuntok sakin ng Dad ko.
"Kasalanan mo 'to!" Kitang-kita ko sa mukha niya ang sobrang pagkamuhi sakin. Parang ang sama-sama kong tao kung titigan niya ako.
"Dad, Hindi ko alam na ---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang umamba ng isa pang suntok sakin. Ngunit bago pa 'yon tuluyang matuloy, napaiktad na ako sa kinahihigaan ko.
Isa na naman palang masamang panaginip. Nagmamadali akong bumangon sa kama upang may kunin sa maleta ko. Dali-dali kong nilagok ang laman ng isang bote ng soju na nahagilap ko sa maleta ko.
"Dayana." Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Sana. Muntikan ko nang makalimutan na wala nga pala ako sa sariling kwarto ko dahil sa masamang panaginip na 'yon.
Gulat akong napatingin kay Sana na halata namang gulat din sa ginawa ko. Kasalukuyan siyang nakaupo sa gilid ng kama niya habang abala sa pag-aayos ng bag niya.
"Ah. Sa---Sana."
"Dayana, Soju ba 'yang iniinom mo?"
"Ah. Wala 'to." Agad kong initago ang bote ng soju sa likuran ko.
"Bakit may dala kang ganyan dito?"
"Ba---Bakit? Bawal ba?"
"Oo. Bawal magdala ng alak dito."
"Hindi ako na-inform."
"Uhm. Ayos ka lang ba? Habang naga-asikaso ako ng bag, napansin kong parang nananaginip ka. Gigisingin na sana kita kaso nauna ka nang magising bago pa kita malapitan. Hindi ba maganda ang panaginip mo?" Curious na tanong niya habang abala ako sa pagbalik ng walang lamang bote ng soju sa maleta ko.
"Ayos lang ako."
"Sigurado ka? Parang hindi kasi eh."
"Sigurado ako."
"Kapag kailangan mo ng tulong, sabihin mo lang sa---"
"Sabing sigurado ako eh. Ayos lang ako!" Halos mawalan ako ng kontrol sa boses ko nang hindi ko makontrol ang pasensya ko.
"Sige. Sabi mo eh. Pasensya na sa abala. Gusto ko lang naman makatulong." Napakamot-ulo na lang ako nang nakasimangot siyang lumabas ng kwarto dala ang bag niya.
"Papasok ka ba ngayong araw?" Bigla siyang bumalik. Hindi ko nagawang sumagot sa kanya.
"Hmmm. Sige. Sasabihin ko na lang sa mga prof natin na hindi maganda ang pakiramdam mo." Dagdag niya bago tuluyang umalis.
Naiwan akong mag-isa sa kwarto namin. Sa pag-upo ko sa gilid ng kama, napahinga ako nang malalim. Hindi ko mapigilang itikhom ang kamao ko.
"Masamang panaginip para sa masamang tao. Nakakatawa." Nasabi ko na lamang bago tuluyang bumalik sa pagkakahiga sa kama.
Ilang oras din akong nakahiga lang sa kama habang pinagmamasdan ang kisame ng kwarto kasabay ng pag-alala sa mga bagay-bagay na bumabagabag sa isip ko.
Hanggang sa marinig ko ang pagtunog ng phone ko. Nakita kong tumatawag si Chaeyoung pero tila wala akong ganang makipag-usap sa kahit na sino sa mga oras na 'to.
Lumipas pa ang ilang oras. Tuluyan na akong nakaramdam ng gutom. Nag-soju nga pala ako kanina nang hindi man lang naga-almusal. Nagugutom na ako ngunit wala akong ganang lumabas para kumain.
Matutulog na lang sana ako ulit nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Tumambad sa harapan ko si Sana na agad namang pumasok sa loob.
"Dayana."
"Anong ginagawa mo dito? Diba may klase pa?"
"Maaga kaming pinayagang maglunch kaya naman nagpunta ako dito."
"Wait. Mukha ba akong cafeteria? Imbes na doon ang punta mo, dito ka nagpunta." Seryosong pagkakasabi ko sa kanya.
"Nagpunta ako dito para dalhan ka ng pagkain." Napalingon ako sa kanya na agad nang inilapag sa table ko ang dala niyang pananghalian.
"Sinabi ko ba sayong dalhan mo ko?"
"Sinabi ko bang sinabi mo?"
"Salamat na lang."
"Alam mo, Dayana. Ikain mo na lang 'yan. Malamang nagugutom na ang dinosaur sa tiyan mo." Dagdag niya sabay giggle pa sakin. At nagawa pa talaga niyang tumawa? Matapos ko siyang sungitan kanina?
Ganon-ganon na lang 'yon para sa kanya? Wala lang sa kanya na tinaasan ko siya ng boses? Ayos lang sa kanya na ang sungit ko sa kanya? Weird.
"Baka may kapalit 'yan."
"Oo naman. Meron."
"Sinasabi ko na nga ba eh. Magkano ba? Babayaran ko na 'yan para naman wala akong utang na loob sayo."
"Huwag na, Dayana. Basta ang gusto kong kapalit, kainin mo na ang dala kong pagkain at sana maging maayos na ulit 'yang mood mo. Mukhang problemadong-problemado yang mukha mo eh. Parang ibang tao ang kaharap ko ngayon dahil sa ikinikilos mo eh." Napapa-hagikhik na naman siya.
"Ibang tao?"
"Sabihin na nating masungit ka talaga, Dayana. Pero yung Dayana na nakikita ko ngayon, parang malungkot."
"Shut up." Napahinto siya sa sinabi ko.
"Sha-shut up na nga po. Paano? Kainin mo na 'yan ha. Kakain na din ako sa cafeteria. Sana pag-uwi ko mamaya, yung masungit na Dayana na ulit ang maabutan ko." Tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.
Naiinis ako sa kanya. Kung makapagsalita siya, para bang kilalang-kilala niya ako. Ni hindi nga niya alam ang tunay na pagkatao ko eh. At sino siya para umasta na para bang may pakialam siya sakin? Wala nga akong pakialam sa kanya tapos aasta-asta siya na para bang close kami. Kalokohan.
Malungkot na Dayana? Kailan pa ako naging malungkot? Para lang sa mahihina ang bagay na 'yon. Kahit paano, may punto siya. Nawawala ako sa karakter ko ngayon. Hindi ako si Dahyun sa mga oras na 'to. Nandito ako sa lugar na 'to bilang si Dayana.
Hindi ko na sana papansinin ang pagkain na dala niya ngunit hindi ko na matiis ang sobrang gutom kaya naman wala na akong nagawa kundi kainin ang dinala niya. Nang buksan ko ang lagayan ng pagkain, may nakadrawing na happy face sa lalagyanan nito.
"Ang corny naman niya. Isip-bata." Natatawang pagkakasabi ko na lamang bago tuluyang kainin ang pagkain na nasa harapan ko.
▪️▪️▪️▪️▪️
A/N : Musta? 💖
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfic[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022
![Yours [SaiDa Fanfic]](https://img.wattpad.com/cover/243409578-64-k26511.jpg)