25 : Maganda

321 22 2
                                    

[Sana's Pov]

"Sorry, Sana. Mukhang ako din ang second kiss mo."

Second kiss?

Bago pa ako makapagreact sa sinabi niya, tuluyan nang dumampi sa labi ko ang labi niya kasabay ng pagkakahawak niya sa bewang at pisnge ko.

Ilang segundo din bago tuluyang mapunta kay Mina ang atensyon ko. Para siyang naestatwa sa nasaksihan niya.

"Ah. Eh. Mina." Nasabi ko na lang matapos kong magtagumpay sa pagtulak kay Dahyun palayo sakin.

"Oh. Hi, Mina." Sabi din ni Dahyun na agad namang napatalikod kay Mina.

"Nakakaistorbo ata ako. Mamaya na lang ako babalik." Napapakamot-ulo na sambit ni Mina sabay hawak sa doorknob.

Bago ko pa siya mapigilan sa pagsarado ng pinto, sinaraduhan niya na ito. Wala na akong nagawa kundi mapatingin na lang nang masama kay Dahyun na nakatungo lang sa isang sulok.

"Binabangungot ba ako o kinuha mo talaga ang first at second kiss ko sa loob lang ng isang araw?!" Nag-iinit ang ulo ko sa lalaking 'to eh.

"Sana."

"Huwag ka nang mag-explain. Bwisit ka talaga. Bakit mo'yun ginawa? Tingnan mo. Baka kung anong isipin ni Mina satin. Aish!"

"Ikaw kasi eh." Parang bata na pagkakasagot niya habang nakayuko pa rin sa isang tabi.

"So, kasalanan ko pa? Ako na nga 'tong naagrabyado sa mga padalos-dalos na kilos mo eh. Pasalamat ka dahil hindi pa kita naipapapulis ngayon pero malapit na!"

"Nagawa ko lang 'yon dahil ang kulit mo."

"Ganon? Dahil ang kulit ko na naman? Kaya hinalikan mo na naman ako? Alam mo, dapat diyan sa labi mo eh tinatapyas!" Iritang pagkakasagot ko sa kanya.

Sa katunayan, dapat isinusumbong ko na 'to eh. Binibigyan ko na nga siya ng chance na mag-explain at magsabi nang totoo sakin kung bakit talaga siya nandito.

"Sabi mo kasi, hindi ka na magsusumbong tapos bigla-bigla kang tatakbo para maisahan ako."

"Pasalamat ka, napigilan mo ko kanina. Bistado ka na sana ni Mina. Ganito na lang. Sabihin mo na kasi sakin kung bakit nandito ka tapos saka ko iisipin kung dapat ka na bang isumbong."

"Hindi nga pwede."

"At bakit naman hindi?"

"Kasi ----"

"Kasi ano? Tumingala ka nga diyan. Tumingin ka sa mata ko. Kasi ano nga?" Sa pagtingala niya para tumingin sakin, para siyang bata na napaka-amo ng mukha.

Ganyanan eh. Matapos gumawa ng kasalanan, magpapaawa. Lumang estratehiya na 'yan. Jusko!

"Sasabihin ko sayo basta huwag mong sasabihin kay Mina."

"Hmmm. Fine."

"Sa totoo, nandito ako para tulungan si Chaeyoung na makipagbalikan kay Mina."

"Para magbalikan sila? Akala ko, nandito ka para agawin si Mina sa bestfriend mo."

"Tsk. Grabe ka naman sakin. Hinding-hindi ko magagawa 'yon sa bestfriend ko."

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon