26 : Mission Failed?

295 28 3
                                    

[Dahyun's Pov]

"Maganda ako?" Rinig kong sabi ni Sana nang lumabas siya ng kwarto. Muntik na akong mapahagalpak nang tawa dahil sa kanya. Akala siguro niya hindi ko narinig ang sinabi niya.

Nang silipin ko siya sa labas, nakita kong nagtatatakbo na siya palayo.

Ganon na ba talaga kalakas ang epekto ng charisma ko sa kababaihan? Sa bagay, hindi ko masisisi si Sana kung sobra siyang kinilig sa sinabi ko.

Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin sa loob ng kwarto.

"Good job, Kim Dahyun!" Proud na pagkakasabi ko sabay pat sa sarili kong balikat.

Muntik na akong mapa-trouble kanina. Mabuti na lang napigilan ko si Sana na magsumbong.

"Kakaiba ka talaga, Kim Dahyun!" Pagpuri kong muli sa sarili ko nang may halo pang pagtawa.

Maya-maya, tumunog ang phone ko. Agad ko itong sinagot nang malaman kong si Chaeyoung ang tumatawag.

On The Phone :

"Dahyun"

"Yes, Bro? Hahaha!"

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?"

"Hmmm. Wala naman. Hahaha."

"Ano nga?!"

"Secret. Hahaha."

"Gago!"

"Oh? Bakit napatawag ka? Miss mo na ako? Jusko. Sabi ko na nga ba eh. Namimiss mo na ang mukha ko."

"Pinagsasabi mong hayop ka?!"

"Chill, Chaeyoung. Makakasama mo na rin ako sa lalong madaling panahon."

"At bakit naman? Ni hindi ka nga nagbabalita sakin ng tungkol kay Mina."

"Dahil pakiramdam ko magiging basic na lang ang misyon na 'to. Ako pa ba? Magaling ata akong dumiskarte." Good mood na pagkakasagot ko kay Chaeyoung.

"Bakit mukhang ang saya-saya mo ngayon? Puring-puri mo na naman ang sarili mo eh. Teka nga. Kilala kitang bwisit ka eh. Nagkakaganyan ka sa tuwing may nai-inlove sayong babae."

"Hmmm. Hindi pa pwedeng masaya lang ako?"

"Hoy, Dahyun! Kapag nalaman kong iba ang minimisyon mo diyan. Nako!"

"Gago! Pakiramdam ko talaga may iba kang pinagkakaabalahan diyan eh!"

"Relax, Bro. Sa totoo, muntik na akong mabisto pero dahil madiskarte ako ---walang magsusumbong."

"Anong magsusumbong ang sinasabi mo diyan? May nakaalam na ba ng sikretong misyon natin?"

"Ako nang bahala dito, Bro. Kaya kong lusutan 'to. Relax ka lang diyan ha. Hahaha."

"Nako, Dahyun. Sinasabi ko talaga sayo. Kung may nakaalam na ng sikreto natin, baka isumbong ka niyan."

"Walang magsusumbong, Chaeng. Okay? Muntikan na akong mapa-trouble pero buti na lang talaga wais ako. Hindi maiisahan ng kahit na si ---" Natigilan ako sa sinasabi ko nang bigla akong may maisip na ideya.

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon