99 : Delicious

267 8 7
                                    

[Sana's POV]

Naalipungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha mula sa bukas na bintana sa kwarto.

Bahagya akong napa-inat bago tuluyang mapalingon kay Dahyun na ngayo'y kasalukuyang natutulog sa aking tabi habang yakap-yakap ko siya.

Sandali ko siyang pinagmasdan. Hinaplos ko ang pisnge niya para lang makasigurado ako na hindi panaginip ang lahat ng 'to.

Minabuti kong abutin ang phone niya sa side table upang tingnan kung anong oras na dahil na-lowbat na ang phone ko. 7am na pala, ibabalik ko na sana sa side table ang phone niya nang bigla akong may maisip.

Agad-agad akong nagtungo sa notes niya sa phone upang mag-iwan ng simpleng "I love you". Alam kong ang random, pero bakit ba? Gusto ko eh.

"Oh? Ano 'to?" Nacurious ako sa kung ano ang iba pang laman ng notes niya. Alam kong invasion of privacy 'to, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na tingnan ang nilalaman ng notes dahil karamihan ng nakalagay ay "To Sana".

Siguro naman may karapatan akong basahin 'to, unless ibang Sana ang tinutukoy niya sa notes. Eh kaso ako lang naman ang kaisa-isang Sana sa buhay niya, so it must be for me.

"To Sana, it's been 3 days na hindi kita kasama. Medyo masakit pa ang katawan ko dahil sa nangyaring gulo. Malaki ang pasasalamat ko kay Ms. Park dahil iniligtas niya ako. Wait for me, Okay? I'll be back soon."

"To Sana, 1 week na pero hindi pa rin ako nakakabalik sayo. Kinakabahan ako. Paano kung hindi pa tapos ang gulo? Should I hide forever instead? Pasensya ka na. Pinanghihinaan ako ng loob. Deserve ko ba talagang bumalik sa inyo? Baka mas lalo lang kayong mapahamak. By the way, nag-adopt ako ng aso. Browny ang ipinangalan ko sa kanya, gaya ng pangako ko sayo noon. Sayang, hindi mo siya na-meet."

"To Sana, 2 weeks na akong nagtatago. Ang duwag ko talaga. Binisita kita nang pasikreto sa labas ng restaurant ng parents mo, makakahinga na ako nang maluwag dahil alam ko nang hindi ka pinababayaan mag-isa ng mga kaibigan natin. I'm sorry, mas mabuti na sigurong hanggang dito na lang. Kuntento na akong makita ka kahit sa malayo. Siguro ito na ang huling beses na bibisitahin kita nang pasikreto para hayaan ka nang mamuhay nang malaya mula sakin na wala namang matinong dulot sayo."

"To Sana, 3 weeks na ang nakakalipas. Gustong-gusto na kitang yakapin nang mahigpit kaso wala pa rin akong lakas ng loob. Eto, kinukulit na ako nila Ms. Park. Subukan ko daw na harapin ka. Paano? Hiyang-hiya nga ako dahil inilagay ko kayo sa sitwasyon na ikinapahamak niyo. Sana maging masaya ka. I love you so much."

Minabuti kong magtype na ng "I love you, Kim Dahyun. Ang mahalaga, nandito ka na ulit sa piling ko ngayon." bago tuluyang ibalik sa side table ang phone niya dahilan para magising siya.

"Oh, Sana? Gising ka na pala. What are you doing with my phone?" Medyo nakapikit pang tanong niya.

"Ah, tiningnan ko kung anong oras na. Good morning, Sweety Pie." Pagbati ko sa kanya sabay yakap nang mas mahigpit sa kanya.

"Come here." Mas lalo palang sexy ang boses niya kapag bagong gising.

"Hmmm?" Hinalikan niya ako sa forehead sabay haplos sa pisnge ko.

"I love you, Sana. Good morning, kahit mas maganda ka pa sa morning." Bahagya akong kinilig dahil sa sinabi niya. Biglang namula ang pisnge ko nang maalala kung ano nga bang special ang naganap sa pagitan naming dalawa.

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon