[Dahyun's Pov]
Sa pagpasok namin ni Lolo sa sa isang mamahalin at sosyaling barber shop, sandali akong napahinto.
"Anong problema, Apo?"
"Lo, hindi ito ang tamang oras para ipagupit ko 'tong buhok ko."
"At bakit naman? Mas magandang presko ang itsura mo sa pagharap mo sa fiance mo."
"Fiance? Lo, sinabi ko na naman sa inyo na hindi ako sang-ayon sa mga plano niyo para sakin. May sarili na akong plano para sa future ko."
"Oo, planong sirain ang future mo kaya nandito ko para gabayan ka para hindi matuloy ang mga 'yon."
"What? Sabihin na nating naging pasaway talaga ako sa pag-aalaga sa sarili ko nitong mga nakaraang taon pero maniwala man kayo o hindi, nagbago na ang plano ko."
"Sige. Anong plano ba ang meron ka para sa future mo?"
"Plano kong mamuhay nang simple pero masaya kasama ang babaeng mahal ko."
"Naniniwala akong matutupad mo din 'yan sa fiance mo, Apo. Sige na. Maupo ka na doon para ipaayos 'yang buhok mo."
"May misyon pa akong kailangan tapusin gamit ang buhok ko na 'to, Lo. Hindi lang siya basta misyon, importante sakin 'yon."
"Misyon? Nako, Apo. Huwag ka nang magpasaway. Hindi ka naman ganyan dati. Kahit mahirap ang sitwasyon natin noon, napaka-masunurin mong apo sakin."
"Lolo, Pero ----"
"Mahal mo ba ang lolo mo, Apo? Gusto mo bang tuluyan nang maayos ang relasyon natin bilang mag-lolo? Pasasakitin mo ba ang ulo ng lolo mo na sinadyang bumalik ng bansang 'to para sayo?" Biglang tanong niya kaya natigilan ako.
Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Aminado ako na gustong-gusto kong maayos na ang relasyon ko sa lolo ko na nabahiran ng kalungkutan noon. At the same time, gusto kong tapusin nang maayos ang misyon na ipinangako ko kay Chaeyoung.
"Lolo."
"Hmmm? Ano 'yun, Apo?"
"Kinukwestyon niyo po ba ang pagmamahal ko sa inyo bilang lolo ko?" Seryosong tanong ko sa kanya.
"Hindi, Apo. Gusto ko lang na maliwanagan ka sa mga binabalak mong gawin. Gusto ko lang na matulungan kang isaayos ang buhay mo. Marami akong pangarap para sayo. Ganon kita kamahal bilang apo ko."
"Hindi naman ganyan ang lolo na nakasanayan kong sandalan noon sa tuwing wala akong kakampi. Anong nangyari sayo, Lo? Ikaw? Mahal mo pa ba ako bilang apo mo o kinalimutan mo na ako kasabay ng pag-alis mo noon?"
"Apo, hindi madali para sakin na mag-adjust sa buhay sa ibang bansa."
"Hindi rin madali sakin na tumira sa apartment na inihanda niyo sakin sa loob ng napakahabang panahon. Minsan, napapaisip ako kung pinatira niyo ba talaga ako sa apartment na 'yon para iiwas ako sa mga taong pwede kong masaktan kasi makasarili ako. Diba? Nawala si Mom dahil sa ka-selfish-an ko."
"Tama na 'yan, Apo. Nakakahiya sa staffs sa lugar na 'to. Baka may makarinig pa sa usapan natin. Maupo ka na doon."
"Hindi, Lo. Ayoko. May mahalaga pa akong kailangan gawin kaya aalis na muna ako. Magkita na lang ulit tayo kapag naliwanagan na kayo." Akma na sana akong lalabas nang biglang magsalita si lolo.
"Sa oras na lumabas ka, itutuloy ko ang pag-iimbestiga sa katauhan ng babaeng kinalolokohan mo ngayon." Napahinto ako sa kinatatayuan ko.
"At sisiguraduhin kong malalaman niya na hindi talaga kayo para sa isa't-isa." Napatikhom ang kamao ko sa narinig ko mula kay Lolo.
"Wala kayong mahahalungkat na baho sa pagkatao niya, Lo. Siya ang pinakamabuting tao na nakilala ko."
"Kung punong-puno ng kabutihan ang pagkatao niya, pwede naman sigurong lagyan ng baho. Sana naiintindihan mo kung anong ibig kong sabihin, Dahyun." Ramdam ko yung pagkaseryoso ni Lolo sa mga sinabi niya dahil tinawag niya ako sa mismong pangalan ko.
"What the fuck, Lolo?!" Hindi ko na napigilang mapalingon sa kanya nang may halong inis kahit na siya ang lolo ko. Never kong na-imagine na hahantong kami sa ganito.
"Did you just cursed at me, Dahyun?! Lolo mo ko. I can't believe na nagkakaganyan ka dahil sa misteryosong babae na kinahuhumalingan mo. Siguro tama talaga ang Dad mo sa mga sinabi niya tungkol sayo!"
"Ayokong humantong sa ganito, Lolo. Never ko din na-imagine na mag-aaway tayo nang ganito. Akala ko kasi kakampi kita. Akala ko naniniwala ka sakin. Kung talagang kilala niyo ko, maiintindihan niyo kung bakit nagkakaganito ako."
"Tama na ang usapan na 'to, Dahyun. Mamili ka. Uupo ka dito o tuluyan kang lalabas? Alalahanin mo kung anong mga sinabi ko kanina. Seryoso ako, Apo. Kung kinakailangan na pwersahin kita, gagawin ko dahil gusto ko lang naman na isaayos ang buhay mo."
Halos mamuo ang luha ko sa mata ko dahil sa naririnig ko mula kay lolo. Hindi 'yan ang lolo na hinahangad kong muling makasama. Hinding-hindi 'yan.
Gustuhin ko man na tuluyang umalis, hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni lolo kanina. Ayokong pag-isipin si Sana sa kung ano-anong bagay. Ayokong ma-stress siya sa problema namin ng lolo ko. Ayokong idamay siya dito.
Wala akong nagawa kundi umupo para simulan ang gustong mangyari ng lolo ko. Kahit ganito, sisiguraduhin ko pa rin na magagawa ko ang misyon ko para kay Chaeyoung.
Kahit ganito, naniniwala pa rin ako na may pag-asa pang bumalik yung dating ugali ng lolo ko. Kaya ko pa siyang ibalik.
Para akong na-stucked sa isang mahirap na desisyon. Isang maling desisyon ko lang, pwedeng mawala nang tuluyan ang mga bagay na pinapahalagahan ko.
▪️▪️▪️▪️▪️
A|N: Eto muna (╥﹏╥) Ready na ba kayong malaman kung sino yung fiance ni Dahyun? Sinong hula niyo?
![](https://img.wattpad.com/cover/243409578-288-k26511.jpg)
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022