HAHAHAHAHAHAHAHAHA
Naghintay ka ba?
Wala na.
It's a prank 😭🤡😂
A|N: Hindi. Char lang. Eto na talaga. 🤡
[Dahyun's Pov]
Matapos ang klase sa tanghali, dali-dali na akong lumabas ng classroom para kumain ng lunch.
Nahinto ang paglalakad ko nang makita kong naglalakad nang mag-isa si Momo. Pansin ko na sobrang tahimik niya nitong mga nakaraang araw.
Hindi na kami gaanong nakakapag-usap simula nang mabisto ako ni Sana eh. Ano na kayang pinagkakaabalahan niya ngayon?
Lalapitan ko na sana siya nang bigla akong tawagin ni Sana na kasama si Mina.
"Sabay ka na samin mag-lunch." Yaya ni Sana sakin.
"Ah. Eh. Kayo na muna." Sagot ko nang hindi inaalis ang tingin kay Momo na naglalakad pa rin palayo.
"Ano bang tinitignan mo?" Napansin kong napatingin si Sana sa direksyon na pinagmamasdan ko.
"Dayana, si Momo ba ang tinitingnan mo?" Tanong naman ni Mina sakin.
"Mauna na ko sa inyo. May kailangan lang akong itanong kay Momo. Pasensya na. Hindi ako makakasabay sa inyo mag-lunch ngayon." Nagmadali na ako sa paghabol kay Momo.
"Momo!" Napahinto siya sa paglalakad nang marinig ang boses ko.
"Dayana?"
"Saan ka pupunta, Momo?"
"Kakain na ng lunch."
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022